Spade

17 0 0
                                    

KYLER'S POV

alam kong hindi na ako masusundan ng mga yun at alam ko din na may kailangan sila kila Mr.Hert pero hindi ko Alam kung ano yun....

habang naglalakad ako dito sa madilim na kagubatan,siguro nangangapa na ako dito kung wala akong dalang flashlight....

Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpahinga muna ako dito sa malaking ugat ng Puno....

Tinignan ko narin yung laman ng bag....at ang nakatawag pansin sa akin ay yung brown envelope at nakakita ako ng Card?Black Spade Card? Anong kinalaman to sa akin at sa pupuntahan ko?..
Kaya nilagay ko sa bulsa ng damit ko yung card....

Tinignan ko narin yung iba pa na nakalagay sa bag at base sa nakita ko kanina na laman ng brown envelope ay enrollment form ko yun......

Matapos kong tingnan lahat ng laman ng bag nagsimula na akong malakad ulit para makarating agad ako sa pupuntahan ko..

Habang naglalakad may naririnig akong may tumatakbo na ewan sa bandang likuran ko kaya tumingin agad ako sa likuran ko at sa d kalayuan may nakita akong tatlong lobo na nag-uunahan para atakihin ako...tsk!mga Patay gutom pero sorry kayo gusto ko pang mabuhay ng matagal at malaman kung sino talaga ako at malaman kung sino ang mga magulang ko...

Tumatakbo lang ako papalayo sa kanila at sa d inaasahang pangyayari may biglang sumulpot na lobo sa harapan ko sa d kalayuan kaya napahinto ako at nagulat na lang ako ng napalibutan na nila akong anim...tsk!ano to back-up nung tatlong humahabol sa akin tong tatlo din....yung tatlong back-up,yung isa sa harapan,yung isa sa kaliwa at yung Isa nasa kanan so napalibutan nga nila ako...talino ng mga itim na lobong to....

Biglang umatake yung sa kanan at sa gulat ko bigla kong binend yung katawan ko pakaliwa at sinipa ko sa tiyan yung lobo gamit yung kanang paa ko at d ko akalaing ganun kalakas yung pagsipa ko para mawalan ng malay yung lobo, sige lukso pa yan tuloy tiyan yung tinamaan....

Pagkatapos kong masipa yung nasa kanan ko sabay-sabay silang lahat sa pag-atake sa akin...
No choice ako kundi patumbahin yung nasa harap ko agad-agad para makatawid doon sa ilog malapit na lang naman eh...

lumukso yung nasa harap ko ng malapit na ito para sunggaban ako at hindi ako papayag na makagat ako kaya lumukso ako ng mas mataas sa kanya at sinipa siya ng pagkalas-lakas sa panga at ayun natabok paikot-ikot yung lobo at nawalan din ng malay,hindi ko masasabing Patay na yung lobo dahil d ko Alam...at ngayon lAng ako namangha sa sipa ko,ang lakas pala...haha

Nagmadali akong tumakbo papunta doon sa ilog ..
Eh?paano ako makakatawad eh walang tulay...

Nakita ko yung daloy ng tubig na masyadong mabilis kaya naalala ko yung tinuro ni Father Steve este ni Mr.Hert na "think of a happy moment and you can fly"
Peter pan lang?tanong ko sa kanila habang tumatawa,nabasa ko kasi yung story na Peter Pan doon sa library ng Orphanage at natagpuan ko na lang yung sarili ko na nakatawid na ako ng ilog!
Buti na lang at hindi ako naanod sa ilog nato ang lawak pa naman.....

Tsk!mga walang silbi na mga lobo pagkain lang ang alam eh ako nga wala pa akong kain Simula kagabi at anong oras na at nalilipasan na naman ako ng gutom....

-----

Hello po,sana naman po may nagbabasa ng story ko....

Hope na nagustuhan niyo...

Don't forget to vote and comment.....

Thank You:)

Ace Academy:The Long lost Prince of Axle KingdomWhere stories live. Discover now