Detective 222

18 0 0
                                    

KYLER's POV

bigla akong iniluwa sa likod ng mga taong to,anong meron?,
May nakita rin akong mga bagong dating tulad ko na biglang lumabas yung aparador at iniluwa sila bago nawala ulit yung aparador...

Nasusuka pa nga ako eh pero hindi talaga na masusuka , nasusuka lang dahil sa pagkahilo....

Tulad ng ginawa ng mga bagong dating nakihalo din ako sa mga mapuputing tao na to,magkasing kulay lang naman kaming lahat,tapos merong napalingon sa gawi ko na lalaki ng hindi sinasadya tapos biglang kumunot yung noo niya,
Napabalik ang tingin niya sa harap nung biglang may nagsalita doon sa stage pati ako napatingin don...

Attention everyone!

Sigaw nung nasa stage kaya yung maingay kanina tumahimik...

welcome new students,I am Mr. Hayato,Hope na maging Maganda ang pag-aaral niyo dito,
Bukas na nagsisimula ang ating klase at hinihingi namin ang pakikipagkaisa niyo sa bawat aktibidad ng Ace Academy

Salita ni Mr. Hayato sa harap,bigla siyang napatingin sa akin at tulad nung lalaki kanina kumunot din yung noo niya,umubo muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita,,
Nahuhuli kong minsan tumitingin siya sa gawi ko,,masyado ba akong gwapo para pati lalaki magkagusto sa akin o sadyang bakla lang talaga si Sir.

Student's,form your line and follow Ms.Haruna,
Para masimulan na ang pag-eenroll sa Inyo,kinakailangan ang kooperasyon niyo para matapos agad

pagkatapos sabihin ni Mr.Hayato ang mga salitang yon nagmadali siyang umalis at pumunta sa kung saan,problema nun?

Sinundan nga namin si Ms.Haruna at ngayon ko lang napansin na umaga na pala,pumunta kami doon sa likod ng stage at ayun pumasok kami doon sa isang malaking building at hindi ko Alam kung ano yon...

Pagpasok namin woohw,manunuod lang ba kami,eh sinehan to...

Okay students,maupo muna kayo maliban sa nandito sa harap,tatawagin lang kayo kung line niyo na ang susunod...

Nagsipagtanguan lang kami sa instruction ni Ms. Haruna at ang tagal ko pa nasa pinakahuling Linya ako at sa pinakahuli pa:(huhuhu...

Nanood na lang kami ng mga naiwan,pinapalabas yung Harry Potter the Sorcerers Stone...
Yung time na pupunta na sila ng Hogwarts para mag-aral doon parang lang ng mga estudyante dito parang ako lang Si Harry Nagpunta ako sa Ace Academy para mag-aral at makilala kung sino talaga ako,kung ano talaga ang dahilan kung bakit nandito ako sa Mundo,ganun naman talaga tayong lahat diba gusto nating malaman kung ano ang halaga natin sa Mundo kung bakit tayo isinilang sa mundong ito na puno ng paghihirap...

Tinawag na yung linya namin kaya tumayo kami at pumunta doon sa exit nung sinehan,,,,

Isa-isa kaming pinalalabas nung nagbabantay kaya medyo natagalan pa ako,,,

Paglabas ko may dalawang tao na nakaupo sa harap ng mahabang lamesa at pinapapapunta ako ng bantay doon sa lalaki... pagdating ko...

Your enrollment paper

Kinuha ko agad sa bag ko yung enrollment form kasi yun ang hinihingi niya...pagkakuhang-pagkakuha ko ibinigay ko agad yun sa kanya...

Go

pumunta agad ako doon sa babae kasi doon ata yung sunod...
Pagdating ko doon,tinitigan niya ako sa mata kaya tinitigan ko din siya sa mata,ang ayaw ko pa naman sa lahat yung tinititigan ako ng straight sa mata...

Nagulat ako nung nag-green yung mata niya tapos may biglang lumitaw na kung ano sa harapan ko....

I.D mo yan

sabi nung babae na tumitig sa mata ko,,,magic?Anong klaseng magic?itong pupuntahan ko ba puro may magic ang pag-aaral doon?....

tinignan ko yung sinasabi nung babae na I.D daw namin...kulay green tapos nasa gitna yung picture ko(Yung picture niya nasa 2×2 picture niya)...
May nakalagay sa baba nito na DETECTIVE 222,ano yun?pangalan ko?hindi naman yan yung pangalan ko auh....
Tinignan ko agad yung Nasa likod tapos may nakalagay doon na unknown Ability*-?...

pumasok ka doon

Utos nung babae saka itinuro yung aparador na kaparehas ng nakita ko kanina sa lawa....

Lumapit ako doon sa aparador at biglang bumukas at ayun hinigop na naman ako at iniluwa ako sa kung saan....

--------

Lame ba?
Gomennasai...

Domo Arigatou gozaimasu kung may nagbabasa man...

Don't forget to vote and comment.....

Ace Academy:The Long lost Prince of Axle KingdomWhere stories live. Discover now