Chapter Ten

241 6 0
                                    

A/N: Pasensya na po kayo kung maraming mali, kasi mobile lang ang gamit ko. :) Thank you ^_^

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_

"WOW!" manghang sabi ko pagpasok ko dun.

"Its enough for me to say na nagustuhan mo talaga dito and im glad you like it." nalagay niya na pala yung mga gamit dito sa loob tinuro niya rin ang magiging room ko.

Napakalaki ng resthouse nila. Napaka relaxing nung place. Parang ang sarap mag soul searching.

Lumabas ako at mas lalo ako namangha. May pool sa labas na sobrang ganda talaga. Tapos paglabas mo pa, beach na siya. Wow, white sand pa.

'Sigh' ang ganda ng lugar.

Nakakawala ng problema. Mag susunset na pala. Kaya umupo ako malapit sa dagat.

"Im so happy that your here. With me!" napatingin ako sa kanya. Nakaupo na rin siya sa tabi ko.

"Ang ganda!" napatingin ulit ako sa kanya pero hindi siya nakating sa paglubog ng araw.

Kundi sa akin siya nakatingin.

"Ahh. Maganda nga!" napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya ko talaga.

"Alam mo dito ako laging pumupunta kapag malungkot ako o may problema ako."

"May problema ka?" takang tanong ko sa kanya.

"Oo eh. Yung unang babaeng minahal ko kasi nalaman ko na mahal niya pala ako noon pa. Kaya ngayon naguguluhan ako. Kasi napakasaya ko dahil alam kong mahal niya ako. Kaso napaka complicated kasi may isa pangbabae na mahal ko rin. Nakakalito na!" malungkot niyang sabi.

Sino ba kasi ang unang babaeng minahal niya? Nakakinis. Edi kung nalilito siya ako na lang ang mahalin niya edi walang problema.

Sumandal ako sa shoulders niya.

"Napaka complicated nga. Pero sundin mo kung sino talaga ang tinitibok ng puso mo! Kung sino ang lamang. Isipin mo na kung mawawala ang isa sa kanila, sino ang pinaka nahalaga. Sino ang babaeng mas masasaktan ka kapag nawala. Pero pag isipan mong mabuti kasi baka pagsisihan mo sa huli."

Sana ako na lang. Pero ayaw ko rin na ako ang babaeng yun kasi masasaktan talaga kita dahil mamatay na ko.

"Pano kung ikaw yung babae Franzel? Pano kung ikaw ang babaeng mahal ko simula noon pa?"

Napag isipan ko na ngayon! Aamin nako para naman gumaan ang pakiramdam ko. Kung ireject man niya ko. Edi okay lang. Atleast nalaman niya bago ako mawala.

"Sana nga ako Vincent. Actually, noon pa man. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang Francis na tinutukoy ko. Ikaw ang kaisa isang lalaking minahal ko."

Hinintay kong magreact siya pero wala.

"Alam ko. Alam ko Franzel!" nagulat ako.

"P-paano?"

"Nasabi sakin nila Debe."

"Aissh, ang dadaldal talaga ng mga yun."

"At franzel, ikaw ang babaeng una kong minahal."

"H-ha?" para akong ewan. Hindi ako makapagsalita.

"Nung hiniwalayan mo ko nung grade 6 tayo. Nasaktan ako nun kasi naniwala ka na pustahan lang ang lahat. Pero hindi. Sinoli ko ang pera nila kasi minahal kita. Kaya nagalit ako sayo nun. Hindi kita pinansin hanggang sa naka graduate tayo at mas nasaktan ako nung nalaman kong lilipat ka ng school. Pero nung bumalik kanulit nung 2nd year gusto kitang lapitan at ligawan ulit kaso meron akonh girlfriend nun. Kaya hinayaan ko lang. Lakinh pasasalamat ko kasi nagka klase tayo ngayong 4th year at naging magkakabarkada pa. Kaso biglang may Cristina. Mahal ko rin siya. Kasi nakikita kita sa kanya. Pero na realize ko na magkaiba nga talaga kayo. Akala ko wala na talaga akong pag asa sayo kaya binaling ko lahat kay cristina. Lahat ng attention ko. Pero minahal ulit kita, siguro hindi talaga ito nawala. Lalo na nung nagkaroon tayo ng 100 days para magsama. Franzel mahal kita noon pa man hanggang ngayon."

100 Days of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon