START OF FIRST ARC: Curiousity kills the cat
Chapter 1
----------☆
June 10, 20xx; 4:09 pm | Class 1-A, North Cross Academy
"And so the answer is 3052.08 cm3. Any questions?"
Napabuntog hininga ako pagkatapos mag-discuss ni Ma'am tungkol sa current lesson namin ngayon. Only one word can describe her discussion: BORING.
Pinatong ko yung ulo ko sa may desk ko habang nakaharap ako sa may bintana. Narinig ko naman may sinasabi si ma'am ngunit, hindi ko masyadong pinansin.
"Alalahanin niyo, kailangan niyo sumali kahit isang club ngayon school year. You can spend the whole day looking for one. Meron kayong isang buwan upang maghanap ng isang club na sasalihan. That is all, dismissed."
Saktong-sakto, tumunog na ang bell, senyas na tapos na ang klase. Dali daling lumabas ang mga kaklase ko upang makahanap na ng club na pwedeng salihan, o kaya'y makipagharutan o makipaglandian sa iba nilang mga kaklase.
Ako nalang ang naiwan.
Inayos ko na lahat ng mga gamit ko na nakakalat at nilagay sa bag ko. Kinuha ko iyong manga na binabasa ko kanina at lumabas narin ng klasrum.
Pinunta ko sa huling pahina na binasa ko sa manga at binasa ito kahit naglalakad ako. Napansin ko na karamihan ng mga estudyante at nasa harapan ng bulletin board, upang maghanap ng isang club na sasalihan. Ewan ko ba pero parang may sariling buhay itong mga paa ko at ipinunta ako doon sa bulletin board.
Doon, iba't ibang posters ng mga clubs dito sa school ang nakadikit. Table Tennis, Swimming, Literature, Choir, at iba pang uri ng mga clubs, pero ni isa sakanila ang nakapukaw ng atensyon ko. Wala man club na tungkol sa Anime.
Umiling ako at naglakad na papalayo sa bulletin board. May nadaanan naman akong grupo ng mga estudyante at hindi ko sinasadyang makinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Guys, saan club kayo sasali? Literature Club ako."
"Basketball, syempre. Ikaw?"
"Siguro... Sasali nalang ako sa Drama Club. Ma-drama naman ako eh."
"Ang ganda naman ni Fantasy."
Napataas ako ng kilay ng marinig kong may nagbanggit ng pangalan ko. Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa at dali-dali na ako naglakad palayo.
Wow, ako, maganda? In my dreams. Mukha nga akong zombie eh.
Napatigil ako sa paglalakad nang may isang bagay na pumukaw ng atensyon ko. Naglakad ako pabalik sa isang pinto at tinignan ito ng mabuti.
Nakakaiba ito sa mga pintuan dito sa eskwelahan. Kulay pula ito, hindi katulad sa mga kulay puti na pintuan dito. Isang sign naman ang nakasabit sa tabi ng pinto.
Special Class
Nakakapagtaka, anong klaseng kwarto ito? At sa lahat ng pwedeng ipangalan, Special Class pa. Bakit nga ba? Siguro dahil ang mga estudyante nito mga baliw.
Tumingin ako sa kaliwa, tapos sa kanan, at sa pintuan muli. Wala naman tao sa paligid, siguro hindi naman masama na buksa ko itong pintuan, hindi ba?
Unti-unti kong inabot ang door knob nito. Nang mahawakan ko na, pipihitin ko na sana ito ngunit, meron parang isang bagay na pumipigil sa'kin na buksan ito. Para bang may masamang nakahanda sa'kin sa loob pag binuksan ko ito.
Umiling ako. Bubuksan ko na sana yung pinto ng makarinig ako ng may sumigaw.
"Huwag!"
----------☆
June 5, 2014 9:08 AM [ revised ]
A/N: Bad luck all the way. -.- May problema ata si Watty. Bigla nalang niya dinelete yung account ko, along with my stories. T_T Pasalamat nalang dahil naalala ko pa ang mga pinagtype ko dito.
Sa mga nakahanap nito muli at sa mga nagbabasa nito, salamat. :) Susubukan kong ibalik ito sa dati. At sa mga sumali dito, huwag po kayong mag-alala. Hindi ko kayo nakalimutan. ^^
BINABASA MO ANG
Class: Otaku
FantasyIt's more than a class full of addicted Otakus who's lives revolve solely on anime and mangas. It's more than what you expect. Care to take a peek on what's inside this class? Sorry, but not anyone can enter this room, or take in what the hell is go...