First Arc; Chapter 3: Misfortunate Meeting

483 15 5
                                    

A/N: Okay, lemme clear things up. Hindi talaga ako magtatanggal ng characters (depende), ililipat ko lang ang iba sa... well you know naman na. Ahahaha. :v Enewey, teme ne se kedeldelen ke et semelen ne neten eteng kebenete.

First Arc

Chapter 3

----------☆

[ Fantasy ]

I can't believe it, hell actually exists.

Joke lang. O.A. ko naman. Pero, totoo. Ang gulo gulo ng kwartong ito, parang walang mga batas na nakalahad.

Mga nagsisiliparang mga libro, notebook, at iba pang mga gamit ay makikita mo. Halos lahat ng mga upuan nakataob at wala sa kanilang mga tamang lugar, at ang mga tao dito, ang gugulo! May mga nagtatapunan ng paper airplanes, nagsisigawan nang napakalakas ang mga tao dito, at higgit sa lahat, wala sa katinuan itong mga taong ito!

Dapat talaga hindi ko binuksan ang pintuan na ito.

Napadapa ako nang 'di oras dahil muntik na akong matamaan ng isang eraser sa ulo. Take note, 'yong pang erase ng chalkboard, hindi iyong rubber eraser. Grabe talaga, wala sa katinuan itong mga tao

Doon ko lang rin nakita na 'yong apat na tao na nagbabala sa'kin na pumasok dito ay nandito rin, at wala man lang silang gawi para patigilin ang mga tao dito. Kung sila kaya nila ako pigilinan na pumasok (well, not really) dito, ibig sabihin ay kaya rin nilang pigilan itong mga estudyanteng ito!

Please, the next time we encounter a strange door like before, remind me never ever open it no matter how stubborn I am.

"YAAAAAAAAAAAAAAAH!! Shiroi, akin na kasi phone ko!" Na-alerto ako ng makarinig ako ng boses ng isang babae. Doon ko lang napansin na meron palang mga babaeng papunta sa'kin, kaya napatago ako sa ilalim ng isang lamesa para lang hindi nila ako makita. "Shiroi! Ang papansin nito, akin na!" Sabi ulit ng babaeng maliit, tumatayo sa kanyang mga tippie toes habang inaabot ang telepono sa kamay ng babaeng nangangalang 'Shiroi'.

Ang babaeng si Shiroi, nag-belat sakanya, at mas lalong tinaas ang telepono sa kanyang kamay at naglakad ng palikod. "Abutin mo muna, Iku! At," tumigil siya sandali para tignan ang screen nito. "Sino itong 'Miyaji Suzuya' na ito? Huwag mong sabihin na meron ka ng boyfriend?!"

"H-hindi! Akin kasi 'yan!" Pilit ulit abutin nung maliit na babae yung cellphone niya. Eh, dahil sa napaka-gulo nila at kung anong pinag gagawa, natamaan nila 'yong lamesa kung nasaan ako nagtatago at ang mas malala, 'yong mga librong nakapatong dito nahulog at saktong nag-landing sa ulo ko.

Nakailan na ako ngayong araw, mamaya pag umuwi ako, puro sugat at pasa na katawan ko.

Sa dahilan na ayaw ko na magtagal dito sa kwartong ito, gumapang ako - oo, gumapang talaga - papunta sa pintuan para hindi nila ako makita. Malala na, paano nalang kung nakita ako ng apat na taong nagbanta sa'kin na huwag akong pumasok dito, mamaya kung anong gawin sa'kin. Masama iyon.

Malapit na ako sa pinto, kaunti nalang, kailangan ko nalang ipihit ang doorknob at pwede na ako makaalis dito. Pero, bago nga maipihit ko iyon, natamaan ko ang isang lamesa, dahilan para mahulog ang mga nakapatong na gamit doon. Lahat sila ay napatingin sa direksyon ko, at para bang nagtataka kung bakit ang isang katulad ko ay nandito.

Lagot na, nahuli na ako.

Nagtitigan lang kami, walang nagpikit nang kanilang mga mata, at talagang napapigil ako nang hininga dahil sa posible nilang gawin sa'kin. Wala naman ni isa sakanila ang kumikibo, kaya minadali kong buksan ang pintuan pero, laking gulat ko ay may sumigaw mula sa isa sakanila.

Class: OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon