Second Arc; Chapter 2: Leaving Already?

377 10 14
                                    

A/N: Late update, as usual. Hontoni gomene! *bows* I'm so sorry!

P.S. Dedicated kay Tan, na talaga namang binasa ang kalokohan ko at sinuggest ang pinaka-bizarre na idea at sinabing hindi bagay sina Fantasy at Kenji dahil mas bagay daw sila Fantasy at Prince dahil parehas sila na cold. Namilit pang isali ko siya sa story para aagawin nalang daw niya si Fantasy kung hindi nga sila ni Prince ang magkatuluyan (o ayan, may special mention ka, sana lang hindi ka sugudin ng mga Fanjinatics XD NYAHAHAHAHA).

Second Arc

Chapter 2

----------☆

July 3, 20xx ; 5:12 PM | Location Unknown

[ Niche ]

"Bakit kayo hinahabol ng dragon na iyon?!" Pasigaw na tanong ni Ryuki pagkatapos namin malaman na hindi na kami hinahabol ng dragon na iyon. I just puffed my cheeks, na ikinagalit niya. "Sabihin mo ang totoo, Niche. Kundi... Nako. Baka masapak kita." Banta pa niya.

"Heck, I don't know! Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang dragon na iyon! Akala ko extinct na ang mga dragon dito sa Fairy Tail eh!" Pagpapaliwanag ko naman.

Mas lalo lang siya nagalit at sasapakin sana ako. Nagulat ako ng bigla niyang ibaba ang kaniyang kamay at tinignan ako, wide eyes. "Fairy Tail? And what does this have to do with that anime?!"

"Turn down the volume, Ryuki! Hindi ako bingi para sumigaw ka!"

"Eh paano ko iyon mapapasok sa kokote mo kung lahat ng sinasabi ko palaging lumalabas sa kabilang tenga?!"

"Hoy! Grabe ka na, ah! Baka ikaw ang masapak ko diyan!"

'Ah tae, will the two of you just kiss already and stop this insensible fight?'

Lumingon ako kina Fantasy at Kenji na nakina pang tahimik sa ilalim ng isang puno. Nakita ko nakalabas ang selpon niya habang nakasimangot. Yumuko ako, habang si Ryuki nag-sorry.

'You two are hopeless,' pahabol pa niya gamit ng selpon niya. 'At Ryuki, huwag mo nga sigawan si Niche ng ganiyan. She isn't the one at fault, nor is it anyone's fault. Nagpakita nalang bigla ang halimaw na iyon at pinaghahabol kami ng walang rason. So, walang rason para sigawan mo siya ng ganiyan."

Tumahimik si Ryuki. Binelatan ko naman siya.

"Pero... Fantasy, paano naman napasok ang Fairy Tail sa usapan?" Eto namang si Kenji sumingit sa usapan. Ayaw naman sabihin ni Fantasy dahil: Isa, pipi siya at hindi niya kayang magsalita; Pangalawa, nawalan na ng baterya ang selpon niya; Pangatlo, wala siyang pansulat kaya kahit isulat niya man lang ang kaniyang iniisip hindi niya kaya. Kaya ayan, wala na siyang magawa kundi manatiling tahimik.

Dahil nga mabait ako, ako na ang nag-explain para sakaniya. "May nadaanan kaming town at inisipang pumunta doom para tanungin kung nasaan tayo. Nagulat nakang kami pero nang makita ang guild ng Fairy Tail sa harapan namin, kaya agad kaming tumakbo papunta dito. Nagulat nalang kami ng biglang may dumating na dragon at pinaghahabol kami papunta dito. Gets?"

Nag-blink siya ng ilang beses, bago tumango at umupo sa tabi ni Fantasy na nagmumukmok dahil lowbat na selpon niya. Ayan kasi, panay laro diyan sa kaniyang selpon habang naglalakad kami.

Si Ryuki, ayaw naman maniwala na nasa loob kami ng isang anime. Eh, sino bang maniniwala kung isang araw biglang nasa ibang lugar ka nalang at may isang tao na bigla nalang susulpot at sasabihin na "Hello! Welcome to the Anime Realm! Enjoy your stay here!". Nobody, right? Pero sa mga nangyayari ngayon, baka naman magkatotoo iyon. Malay natin, 'di ba?

I sighed. "Alam ko mahirap paniwalaan, pero sa tingin niyo magsisinungaling ako pagdating sa ganitong sitwasyon?" Tinignan ko sila. Litong-lito pa rin ang dalawa kung maniniwala ba sila o hindi. "Kung maniniwala man kayo o hindi, it's entirely your desicion. Basta kami ni Fantasy, maghahanap kami ng paraan para makaalis dito." Tumalikod ako mula sakanila. Tinignan ko si Fantasy at binigyan siya ng tingin na sumunod siya. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at agad siyang tumayo para sumunod siya sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class: OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon