First Arc; Chapter 4: Addition to the Group

580 14 1
                                    

A/N: Revision stops here. The new and improved Class: Otaku is now here! \\^0^//

First Arc

Chapter 4

----------☆

June 29, 20xx ; 12:23 PM | School Grounds of North Cross Academy

[ Fantasy ]

The past keeps haunting me, my present is not going like how I expected it, and the future is still unknown.

How should I even live in this world full of mysteries and lies? How should I survive without him on my side?

Yet, I must stay strong for the better, and for my late brother... I will avenge him, I will avenge his death.

That is a promise I will keep-

"Hoy, babaita! Pagbabasa na naman ang inaatupag eh!" May parang mabigat na bugagay na tumama sa ulo ko, dahilan para mabalik ako sa totoong mundo at para makita ang pagmumukha nang isang pamiliar na tao. Talagang sumusulpot sa maling oras itong babaeng ito.

Kalmado kong isinara ang binabasang nobela sa aking kamay upang harapin ang taong pumigil sa'kin sa aking pagbabasa. Tinignan ko siya, nang masama. Anng lakas ng loob niya para pakealamanan ako habang nagbabasa ako. Habang siya naman ay pa-simpleng ngumiti sa kanyang ginawa. "Alam mo, may iba pang mundo kaisa diyan sa mundo ng mga libro. Paano kaya kung alisin mo muna ang isip mo sa mga bagay na iyan at gawin mo ang karaniwang ginagawa ng mga teen na katulad natin," sabi niya habang nakangiti. "Katulad ng... paghanap ng boyfriend!" Suhestiyon nito, na talaga namang ikinainis ko. Paano ba naman kasi, sa lahat ng pwede niyang isipin, paghahanap pa ng pwedeng maging kabiyak mo ang sinabi niya.

Gamit ng libro ko, sinapok ko siya sa kanyang ulo, dahilan para magkaroon ng isang maliit na bukol kung saan ko siya sinapok. "Aray ha, best! Joke lang naman eh!"

Ang lalaki sa kanyang likuran ay tumawa nang bahagya, pagkatapos ay lumapit sa aming dalawa para lang ihimas ang ulo naming dalawa. "Kayo talaga, panay lokohan ang ginagawa niyo," ang kanyang sinabi at tinanggal niya ang naglalakihang mga kamay niya sa aming ulo.

Inikot ko lang ang aking mga mata, inisipan ko nalang na ituloy ang binabasa ko at hindi nalang pansinin ang dalawang nagchi-chismisan sa harap ko. Kahit kailan ay hindi nauubusan ng mga bagay na pwedeng pag-usapan itong dalawang ito. Minsan rin nakakainis sila, panay asar sila sa'kin, araw araw, 24/7. Pero, kahit ganyan sila, hindi ko kayang kamuhian sila, sila lang kasi ang mga taong nanatili sa tabi ko sa lahat ng pinag-daanan ko, masaya man o malungkot. Sa madaling salita, sila ang aking matatalik na kaibigan, "best friends" as some would call it.

Si Mikashumi Frost, ang babaeng sinapok ko kanina, childhood friend ko 'yan, nagkakilala kami dahil ang aming pamilya malapit sa isa't-isa. Mahilig siya mang-aasar ngunit madaling maasar, mabuti ang kanyang kalooban at talaga namang pursigido siya sa kanyang ginagawa. Habang ang lalaking katulad lang ni Kiyoshi Teppei, si Mistui Kyo Kiyoko, o mas kilala bilang Kuya Kyo, ay isang makulit na lalaki at panay ang mga jokes na ginagawa niya. Pursigido rin siya, at ayaw mo makita ang sinasabi nilang 'dark side'. Nakilala namin siya noong nasa Elementarya palang kami, nagsimula sa isang tanong, hanggang sa unti-unti na kami nagkalapit. Simula noon, naging magkakabarkada na kami, sinasabi namin ang mga problema namin sa isa't isa at dinadamayan ang isa sa'min, at kung may nag-away sa isa sa'min, susugudin namin ang taong iyon. Ganon talaga kami. Wala na kayong magagawa pa.

"Nagbabasa ka na naman Fantasy," pagpapahalata ng dalawa. May tumulo na namang pawis mula sa noo ko dahil, wow lang talaga, sabay pa silang nagsalit. Minsan iniisip ko na meant to be ang dalawang ito.

Class: OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon