First Arc; Chapter 5: Into the Black Hole!

330 15 31
                                    

First Arc

Chapter 5

----------☆

July 3, 20xx ; 3:37 PM | Special Class, North Cross Academy

[ Ryuki ]

Pak! Clang! Bang!

"YOU-!! GET BACK HERE!!"

"Uwah! Niche, maawa ka sa'min!"

"Wala naman kaming ginagawang masama ah!"

Puro tunog ng mga bumabagsak na mga gamit ang naririnig namin dito sa klasrum, dahil sa mga tinatapon na mga gamit ni Niche. Grabe kasi kung ma-pikon ito.

Paano ba naman daw, tinakot nina Runo at Kuze itong si Niche eh alam naman nila na madali lang itong matakot. Ayan tuloy, hinahabol sila tuloy at pinagbabato ng mga gamit.

Kung nagtataka kayo kung bakit walang teacher ngayon, dahil home room subject namin ngayon, at may mga meeting ang staff ng school. Pagkatapos nito, pwede na kaming makauwi at makanood ng anime. Ano bang inisip niyo na gagawin namin? We are Otakus, and it is expected that we will do such things.

Boogsh!

Lahat kami napatingin sa kinaroroonan nina Runo, Kuze, at Niche. Nakita nalang namin nakahilatag ang dalawa sa sahig habang may mga bukol sila na kasing laki ng ping pong balls at si Niche namumula sa sobrang galit. Ako'y napabuntog hininga na lamang at tinulungan ang dalawang walang malay para maalagaan nina Chihiro. Eto kasing dalawa palaging biktima ng sapak ni Niche, kaya may handa na kaming first aid kit saka-sakaling may nangyaring ganito.

"Niche, alam mo, napaka-brutal mo talaga. Pwede mo naman silang hindi batukan, 'di ba?" Pagpapaalala ni Chihiro sakanya.

Si Niche ngumuso lang, pagkatapos ay umiwas ng tingin. "Sila rin naman may kasalanan, sinabi ko naman na ayaw ko na ginugulat ako," paliwanag naman nito.

"Palusot," ang tanging sinabi ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng manga. "Nga pala, nasaan si Shiroi? Kanina pa nawawala iyon."

Narinig kong pumito si Yuumi, pagkatapos ay kiniliti niya ako sa tagiliran ko. "Suuus~ Concern si Ryuki sakanya~"

"Shunga, hindi," sabi ko. "Kanina pa kasi nawawala iyong babaeng iyon. Pati narin si Fantasy at 'yong Kenji na iyon wala."

"... baka magkasama sina... Fantasy-san [1] at Kenji-kun [2]..." Mahinang, sabi ni Anima.

"Pansin ko lang sa dalawang iyon, palagi silang magkasama," si Katzuya naman sumingit sa usapan. "I mean, noong araw na lumipat kami dito, kung makatitingin siya doon sakanya, parang may gusto siya kay... Fantasy."

"Na-love at first sight ata si parent Kenji," tawang tawa naman itong si Ritsu sa ideyang nain-love daw isa niyang kasama. "Pero hindi naman na malabong mangyari iyon. Cute naman rin siya kahit pipi at masungit. So, hindi na ako magtataka pa."

"Ayieeeeeeeh!"

May sumigaw bigla. Napatingin kaming dalawa ni Ritsu kay Azure na hugis puso mga mata. Sigh, sabi na nga ba magre-react itong babaitang ito.

"May bago na naman akong ship! Fantasy x Kenji! FanJi! Hart hart! Mabuhay ang FanJi! Huehuehuehue."

"You and your stupid ships." Napabuntog hininga ako.

Napaisip sandali si Eiji, isang ngisi naman ang nabuo sa kanyang mukha na hindi ko kahit kailanman nagustuhan. Kilala ko itong class mayor namin, alam namin kung may iniisip itong kalokohan.

"I say we follow them!"

"EH?!"

"Sandali lang nga, Eiji. Ano bang balak mo ngayon?" Pagdemanda ni Cei. "Kung gagawin man natin iyon, parang binabalewala natin ang kanilang privacy, alam mo ba iyon?"

Class: OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon