A/N: Long time no update po. QwQ Masama si school, ayaw niya akong ipa-update. Mahirap na ang buhay ngayon, mas lalo kung wala kang pahinga. XD Ang importante naka-update ang luka kahit papaano. :3
Bago na mag-organize ng chapters ang luka. XD May pa-arc arc chuchu eklavu pa. Nyahaha. Bahala na nga. :3 O siya, iiwan ko nalang ito dito. XD Babayuuuu naaaaa~
Reviews and comments are highly appreciated! :)
START OF SECOND ARC: Beneath a New Sky
Chapter 1
----------☆
July 3, 20xx ; 4:31 PM | Location Unknown
[ Kuze Ryuu ]
... Nasaan ako? Bakit parang hindi ko magalaw katawan ko? Ano bang nangyari sa'kin? Oo nga pala, pumasok kami sa isang black hole para tignan kung saan kami idadala nito. Saan nga ba kami pinunta? Wala akong makita kundi ang kulay itim. May tumatawag sa'kin, hindi ko alam kung sino. Sinasabi niyang magising na ako. Pero...
"Ayaw ko pang magising..."
"Aba't... HOY, KUZE RYUU FUJISAKI! GUMISING KANG ASUNGOT KA KUNDI, SASAPAKIN KITA HANGGANG SA MAGISING KA!!"
Nagising ako sa napakalakas na boses ng isang pamiliar na tao. Too familiar if you ask me. Sino bang hindi magigising kung ang taong iyon ay sumisigaw na sa tainga mo? Talaga namang magigising ka agad kahit may earplugs ka. "Ano ba, Runo. Hayaan mo naman akong matulog," pagmamakaawa ko, pagkatapos ay humiga ako ulit para ituloy ang tulog ko.
"Wow, ha! Pagkatapos nating pumasok sa black hole na iyon para malaman kung papunta saan iyon, matutulog ka nalang! Gumising ka na nga, Kuze! KUZE RYUU, GUMISING KA NA!!"
Naramdaman ko nalang na parang may humawak sa dalawa kong braso at niyugyog ako. Nagsimula ito sa mahina, hanggang sa tuluyan na itong lumakas ng lumakas, to the point na hilong-hilo na ako sa kakayugyog, feeling ko na masusuka ako sa sobrang hilo. "Argh, oo na! Eto na, gising na ako! Huwag mo nalang ako yugyogin, please Runo!!" Pagmamakaawa ko ulit.
Tumigil naman ang pagyugyog, binitawan na ang mga braso ko pero nahulog ako at naglanding sa something na matigas. Aray ko 'te! Kailangan ba akong ihulog?!! Gising na nga ang tao eh!"Runo, gising na ba si Kuze?" May isang boses naman kaming narinig sa 'di kalayuan. Parang boses lang ni Eiji-sampay. Ay, teka. Oo nga. Si Eiji naman talaga iyon. Ang tanga mo, Kuze.
Buti alam mo.
Shut up konsensya.
Tumango siya, sabay thumbs up sa kung sino man habang ako inaayos ko itong sarili ko. "Yup! Awake and ready to go!"
"Tse," mahina kong sabi pagkatapos kong ayusin sarili ko. Tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung nasaan kami, pero, hindi ko masasabi kung nasaan kami ngayon. Basta, mukha talagang pamiliar itong lugar na ito, alam ko 'to, nasa dulo ng dila ko, huwag niyong sasabihin kundi masasapak ko kayo. Sige.
Ah, bago 'yan, bakit parang kulang kami ngayon? Nawawala ang mga brutal na hall monitors pati narin 'yong bagong kasama namin na pipi. Ano kayang nangyari sa mga iyon?
"Kung tinatanong mo kung nasaan sina Fantasy-san at si Niche-chan [1], naghahanap sila ng daan pabalik sa'tin," paliwanag ni Anima na ikinagukat ko naman talaga. Eh, paano ba naman kasi, kahit hindi ko siya tanungin, alam na niya agad! Teka, hindi kaya mind reader itong si Anima? "At kung nagtataka ka na kung mind reader ako, hindi. Sadyang halata sa mukha mo kaya alam ko."
O-kaaay?
Iniling ko nalang ang ulo ko at tinignan ulit ang paligid, sinusubukan na hulaan kung saan man kami. Para kasi talagang pamilyar itong lugar na ito sa'kin. 'Di ko lang masabi kung anong lugar ito. Pero, pramis! Pramis po talaga! Alam ko itong lugar na ito, nasa dulo lang ng dila ko ito.
BINABASA MO ANG
Class: Otaku
FantasyIt's more than a class full of addicted Otakus who's lives revolve solely on anime and mangas. It's more than what you expect. Care to take a peek on what's inside this class? Sorry, but not anyone can enter this room, or take in what the hell is go...