First Arc
Chapter 2
----------☆
[ Fantasy ]
"Huwag!"
Patay.
Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. May nakita naman akong isang babae na inaabot ang kanyang cell phone sa isang lalaki.
"Huwag naman kasi! Akin na 'yan, Ryuki!"
"Bleh! Abutin mo muna!"
Napabuntog hininga ako. Akala ko ako 'yong sinigawan.
Binalik ko ang atensyon ko sa pintuan. Iniisip ko na huwag ko nalang ito buksan pero, dahil nga nagtataka rin ako kung anong nasa loob nito, sinubukan ko itong buksan ulit.
Ngunit, may pumigil sa'kin... ulit.
"Stop right there!"
Hinarangan naman ako ng babae at lalaki kanina. May nilabas naman sila na parang badge at ipinakita ito sa'kin.
Ano 'to? Hall monitors? Kailan nagkaroon ng ganon dito sa eskwelahan?
"Stop in the name of the law!" Pagsisimula ng babae. "Alam mo ba na bawal pumasok dito sa kwartong ito?"
Itinuloy naman nito ng lakaki. "Alam mo bang maari kang kasuhan kung pumasok ka dito? Subukan mo lang pumasok dito muli at malalagot ka sa'min!"
May tumulo naman na pawis mula sa noo ko. Seriously? Sino sila, mga pulis? Baliw na mga pulis, oo.
Napatingin ulit ako sa pintuan na 'yon. Punong puno ng mga tanong ang isip ko tungkol sa pintuan na 'yon. Ano ba ang meron sa loob at bakit ayaw nila itong ipabukas. Napaka-mysteryoso ng mga bagay dito sa eskwelahan na ito. And it's my first day, for crying out loud.
"Niche, Ryuki!"
Isa na naman boses ang narinig ko. Ngayon, galing ito sa isang lalaki. Naglalakad siya papunta dito sa kinaroroonan namin tatlo. Binalik ko ang atensyon ko sa dalawang 'hall monitor', pero nagulat ako ng makita na mukhang takot na takot sila.
"E-Eiji-senpai!" Sambit ng dalawa at nilapitan yung lalaking nangangalang 'Eiji-senpai [1]'. Tumaas kilay ko. Mahilig pala sa anime ang mga taong ito? Hindi halata. "Sir! Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
'Yong totoo? Wala silang balak na tigilan iyong police act? Mga baliw nga ang mga tao dito.
Nagulat ako ng biglang tumingin sa'kin si 'Eiji-senpai'. Ang sama pa naman din ng tingin nito sa'kin. Pinagpawisan ako nh malamig ng lumapit ito sa'kin.
Mas lalo akong nagulat ng bigla itong nag-bow sa harapan ko. Wait, ano?
"Pagpasensyahan mo na sana itong dalawang ito," tumayo na siya ng maayos at ngumiti. Hindi pala siya nakakatakot pag ngumiti eh. "Ganyan talaga sila, mahilig sila magpanggap bilang mga pulis."
Nainis naman yung dalawang nasa likod niya. "Eiji-senpai naman eh! Ginagawa lang namin ang trabaho namin bilang hall monitor!" Sabat ng isa. Tama ako, mga hall monitor nga sila.
Lumingon si 'Eiji-senpai' sakanya at sinabing, "Pero hindi niyo naman kailangan magpanggap bilang pulis," natahimik nalang silang dalawa.
Napabuntog hininga siya at tumingin muli sa'kin. "Pagpasensyahan mo ulit sila, ha? Ako nga pala si Eiji. Sila naman ay sina Niche at Ryuki," Pagpapakilala niya.
Inilahad ko naman ang kamay ko sa dalawa. Kaisa makipag-kamay sila, umirap lanh silang dalawa. Ano naman ginawa ko sakanila?
"Ulit, pagpasensyahan mo silang dalawa. Ganyan talaga sila," nawala naman ang kanyang ngiti at unti unting naging seryoso ang mukha niya. "At kung maari, huwag kang pumasok sa kwarto na 'yon."

BINABASA MO ANG
Class: Otaku
FantasyIt's more than a class full of addicted Otakus who's lives revolve solely on anime and mangas. It's more than what you expect. Care to take a peek on what's inside this class? Sorry, but not anyone can enter this room, or take in what the hell is go...