Heart's pretension...

65 0 0
                                    

CHAPTER ONE

INILIPAT ni Yvv ang mobile phone sa kabilang tenga niya. Kausap niya sa kabilang linya ang kakambal na ngayon ay hindi magkandaugaga sa kaka-sermon sa kanya. Paano ay ibinilin nito na tumawag siya dahil may ipinapagawa ito sa kanya. Nalibang siya sa ginagawa niya kaya nakalimutan niya ito.

            “I’m here already. Hindi mo na kailangang mambulabog pa sa tahimik kong buhay.”

            Ang kanina’y may sungay na kapatid niya ay naging anghel. “Good. Thanks Yvv. I owe you one.”

            “You owe me a lot,” pagtatama niya dito.

            Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi pa siya nagkaroon ng tahimik na buhay. Her sister always asks her an errand. Isa sa trabaho niya ay ang tulungang itong makalayo mula sa mga lalaking naghahabol dito. Her twin was a famous model. An everyman’s dream. Halos narito na ang katangiang hinahanap ng mga Adonis ng sanlibutan. Beauty and brain ika nga ng nakararami. Idagdag pa doon ang pagiging tunay na babae nito sa pananamit at kilos. Ang tanging magiging kapintasan lang nito ay ang pagkakaroon nito ng maliit na sungay na maging siya ay kinaiinisan niya dito. Her twin was very keen to her work, sa sobrang dedikasyon ay nalilimutan na nito ang mga tao sa paligid. Isang patunay iyon kung bakit naroon siya sa harap ng bahay ng pinakakamahal nitong nobyo at kaaway naman niyang si Zackarias. Sa parehong subdivision sila nakatira. Sa ibang street lang ito.

            “I know. Don’t worry I’ll pay you after my work,” narinig niyang sagot ni Vhon.

            Ipiniling niya ang ulo upang magbalik ang katinuan. “Just deposit it on my account.”

            Malakas na tawa ang narinig niyang sagot nito. “Ano bang ginagawa mo sa pera? You don’t need my money Yvv. You are already rich.”

            “Alam ko. Sa sobrang yaman ko ay hindi na mabilang ang mga milyon ko.” Nagpakawala siya ng hangin at seryosong nagsalita. “So, what do you want me to do now?”

            “Just pretend that I am you.”

            Napantig ang tenga niya sa sinabi nito. “You… you want me to pretend… that I am you?” Isang mahinang oo ang sinagot nito. Kung naroon lang sa harap niya ang kapatid ay siguradong nakalmot na niya ito sa mahahaba niyang kuko. “You know that I can’t do it.”

            “Why not? We always do things like this,” may pagtataka sa tinig nito.

            She sighed heavily. “You know that it’s different now.”

            “Anong pinagkaiba. Magkukunwari ka lang sa harap ni Zack. Just act natural.”

            That’s it! It was just Zack. Pero paano siyang kikilos ng normal kung kaharap ito? She secretly loving Zack from a distance, subalit ang gusto nito ay hindi siya kundi ang kakambal niya. For him she was just a friend or maybe an enemy, while her twin plays the most important role on his life.

            Kaya niyang magpangap sa ibang tao, subalit kahit kailan ay hindi niya magagawa iyon dito. Sa katotohanan ay matagal na mula ng huli silang magkausap ni Zack ng matino. The moment he and her sister were officially on, she tried to avoid him. Ayaw niyang makita ang mga ito na magkasama at naglalampungan sa isang tabi. Seeing her love, loving someone else kill her softly. Subalit sa di sinasadyang pagkakataon ay lagi silang pinaghaharap ni kupido. Kung minsan ay nais na niyang magtampo sa huli. Hinayaan na nga nitong mahulog siya sa maling lalaki tapos ay heto ito’t pinaglalapit pa sila ni Zack.

JUST PRETEND AND BE LOVE  (A Twist in My Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon