Farewell my life.....

16 0 0
                                    

“VHON?”

            Sinalubong ni Yvon ang kapatid na na noo’y patungo sa kinaroroonan niya. It had been one month since she last saw her twin. Nagtagal ito sa ibang bansa. And so, it almost three weeks since she very last saw Zack. From that day he confessed to her, she tried to avoid him. Alam niyang may kasalanan siya doon. She became straight forward to what she felt for him while she was pretending to be her twin.

            Masakit isipin na kung kailan nalaman niyang siya ang mahal nito ay kailangan niyang magparaya.

            “Welcome home Vhon,” bati niya ng makalapit ito sa kanya. Ikinabigla niya ang sunod na aksyon nito. Isang malakas na sampal ang sa halip ay isinagot nito sa kanya. Sinapo niya ang nasaktang pisngi at hinarap ito. “Bakit mo ako sinampal?”

            Puno ng galit ang mga mata nito. “Don’t play innocent Yvv!” she shouted at her. “Alam ko na ang mga ginawa mo!”

            Napaatras siya. “Hindi kita maintindihan Vhon.”

            Isang patuyam na tawa ang pinakawalan nito. Alam niyang pigil ang galit ng kapatid. “Kung sabagay walang sino-man ang aamin sa ginawa nilang kasalanan.”

            She chocked her words and looks on her. There was fire on Lyvon’s eyes. Kung hindi siya nagkakamali ay tiyak na alam na nito ang nangyari habang wala ito sa bansa. But how? Could it be Zack? Sinabi ba nito ang lahat sa kanyang kakambal?

            Bago siya makahuma ay muling dumapo ang kamay nito sa kanya. “You are a snake! Inagaw mo sa akin si Zack!”

            “Hindi ko siya inagaw Vhon, he’s yours,” garalgal ang tinig niya. Iyon ang oras na kinatatakutan niya. She reached her twin and tried to calm her. Puno ng takot ang puso niya ng oras na iyon.

            Saglit na humupa ang galit nito ngunit kaagad 'din iyong nagbalik at marahas na itinulak siya. Hindi niya napaghandaan iyon kayat sa malamig na sahig siya bumagsak. Bakas sa mukha ng kapatid ang pagkabigla sa nangyari. Her twin didn’t really mean to hurt her.

            “Ayaw na sa akin ni Zack Yvv,” tila batang sumbong nito. Dinuro siya nito at nag-aapoy ang mga matang nakatunghay sa kanya. “And it all because of you! I told you to pretend and keep him for me, but you cheated on me! Ikaw ang umagaw sa kanya!”

            Nasaktan siya sa sinabi. Those harsh words coming from her twin ripped her heart. Oo alam niyang may kasalanan siya subalit wala talaga siyang intensiyon na agawin ang pagmamal ni Zack na noon pa pala niya pagmamay-ari.

            “Yvv… Bakit ba hindi mo… What the hell! Anong ginawa mo kay Yvv?” Mula sa pintuan ay iniluwa nito ang pigura ni Jess. Puno ang pag-aalalang dinaluhan siya nito.

            Bumalantay sa mukha ni Vhon ang pag-aalala ng makita niyang nasaktan siya sa nangyari. Bahagya dumugo ang braso niya na tumama sa gilid ng frame kanina. “Siya ang tanungin mo,” may takot na wika nito bagamat malamig parin ang tinig. “That girl betrayed me! She messes with me!”

            Tears rolled down on her cheeks. Higit na masakit para sa kanya ang pagsalitaan ng ganoon ng kapatid. To think they are even twin. Nararamdaman niya ang hinanakit nito.

            Saglit na binitiwan siya ni Jessie at hinarap si Vhon. Natatakot siya sa maaring mangyari. She knows Jess, alam niyang galit ito sa mga akusasyon ni Lyvon. Jessie has a very short temper.

            “Enough!” Malakas na bulyaw nito kay Vhon. Napaatras ang huli. “Yvv didn’t mess with you. You are the one who mess with her Vhon! Alam nating lahat na may gusto kayo sa iisang lalake, but Vhon, Yvv sacrifice that love for you! Hinayaan niyang mapunta sa iyo si Zack. Alam ko at alam mo na si Yvon ang gusto ni Zack mula pa noon, subalit naging makasarili ka! Zack was all yours then, but you was to busy and didn’t put effort to let him stay to you. Ikaw ang gumawa ng paraan para mawala siya sa iyo! Nagbalik lang si Zack kung saan siya nararapat!.”

JUST PRETEND AND BE LOVE  (A Twist in My Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon