voice of the heart

23 0 0
                                    

NAPATINGIN si Yvon sa inokopahang silya ng kaibigan niyang si Jessie. Matalik na kaibigan niya ito. Jessie was a romance writer. Kasalukuyan silang nasa Riexa’z Café. Malapit lang iyon mula sa subdivision na kinatitirikan ng kanyang tahanan.

            Muli siyang sumubo sa sa kinakaing strawberry cake. 

            “I thougth you are Vhon,” salubong sa kanya ni Jessie habang ang tingin ay nasa nilalantakan na cake.

            Nagkibit balikat lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Kailangan muna niyang maubos iyon bago harapin ito. Ang mapagkamalan siyang si Vhon habang kumakain ay masama para sa kanya. Baka hindi siya matunawan.

            “Subalit nang makita kong kumakain ka ng calorie maker na iyan, for sure you are my evil friend,” dagdag nito. Humalipkip ito at sumandal sa silya.

            Mabilis na tinapos niya ang kinakain at pinunasan ang labi. She sipped on her cold tea and turned to Jess. “What’s your point then?”

            “What I’m trying to say was you were really different from Vhon.”

            That’s nice with Jess. Isa ito sa mga taong nakakakilala sa kanilang kambal. Jess was a romance writer. Naging kaibigan niya ito nang bumibili siya ng bagong libro sa Cola Bookstore. That shop was just next to this coffe shop. Limang taon narin iyon.  Hindi man ito magsalita ay alam niyang may disgusto ito sa kakambal niya. Jessie was not favor with what she was doing. She always insists that she must not spoil her twin especially being an errand lady. May punto ito subalit mas pinili niyang 'wag makinig dito.

            “I know. I’m prettier than her, sexier and far better than my twin,” nginisian lang siya nito.

            “You are also fooler than her. And far stupid than your twin.”

            Sanay na siya sa pagiging pranka nito. Hearing those words from her bestfriend won’t affect their relation with each other. Alam naman niyang nais lang nitong ipamulat sa kanya na hindi siya dapat maging mapagbigay sa kakambal.

            “Thanks for the compliment.”

            “Welcome,” mabilis na sagot nito. “Tapos ko na nga palang pirmahan ang mga nobela ko. Pwede mo nang kunin iyon sa aking tahanan.”

            Tumango lang siya bago muling sumumsim sa iniinom. Sa paraheng subdivision sila ni Jessie. Ilang block lang ang layo nito sa kanilang bahay.  Inilibot niya ang tingin mula sa mga customer na naroon. Ininom niya ang natitirang laman ng kanyang baso saka hinarap ito.

            “Kumusta na kayo ni Zack?”

            Muntik na niyang maisaboy ang iniinom dahil sa tanong nito. Ni minsan ay hindi niya sinabi ang nadarama niya kay Zack. Her love for him remains a secret. Paano nito nalamang may gusto siya sa huli?

            “Are you kidding Jess?” She calmed herself and tried to stop her blushing cheeks.

            “I’m a writer Yvv,” she answered. “I can easily read your eyes. Your eyes spark everytime you see him.You even watched his every step until he disappeared from your sight.”

            Ganoon na ba talaga siya ka-transparent para mabasa nang iba ang emosyon niya? She tried to avoid Zack and keep her feelings secret towards others. Hindi kaya alam din ni Vhon na may gusto siya sa boyfriend nito?

            No! Kung alam niya ay hindi ka na niya hahayaang makalapit pa kay Zack.

            Tama! May punto nga ang isip niya. Subalit kailangan niyang mag-ingat.

JUST PRETEND AND BE LOVE  (A Twist in My Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon