HINAYAAN ni Yvon na hampasin ng alon ang kanyang mga paa. Tahimik na nakaupo siya sa tabi ng dagat. Iyon ang ika-pito at huling araw nang pananatili nila sa Isla. Hindi pa man ay nalulungkot na siya. Malapit ng matapos ang pagpapangap niya bilang si Lyvon. Kahit papaano ay naging masaya ang bakasyon niya. Sa loob ng apat na araw na nakasama niya si Zack ay naranasan niya kung gaano kasarap magmahal ito.
Pinunasan niya ang butil nang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Ayaw na niyang mangako pa sa sarili na kalilimutan niya si Zack. Masakit isipin na sa likod nang ipinakita nitong pagmamahal sa kanya ay ang katotohanang hindi para sa kanya ang lahat ng bagay na iyon.
“Why are you spacing out?” Tanong ni Zack. Hindi niya napansin ang paglapit nito sa kanya. Yumakap ito mula sa kanyang likuran.
Suminghot siya upang pigilan ang paghikbi. Hindi pa naman tapos ang maliligayang araw niya, may natitira pa siyang ilang oras para makasama ito. Ang apat na araw na ginugol niya kasama ito ay sadyang naging makulay. Walang sinuman ang tumutol sa kanya at pumigil sa pagpapangap na ginagawa niya. Even Jess knew about it, but her friend just remained silent and let her do what she believe is right.
“I’m thinking about you,” totoo ang sinabi niyang iyon. Everytime she was alone she can’t help thinking of Zack. Lagi nitong inookopa ang isip at puso niya. She was afraid that time would come that she need to leaved. She was not prepaid to face that kind of burden. She would just keep on dreaming of him until her heartaches finally end.
Napansin yata nito ang pananamlay niya. Umalis ito sa kanyang likuran at tumabi sa kanya. Yumakap siya sa kanyang binti at dinama ang malamig na hangin.
“What’s wrong honey?” Puno ng pag-aalala ang mukha nito.
She responds to his question by bestowing a fake smile. “Masaya lang ako na makasama ka. Being with you was a dream come true Zack.”
Pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong. Hinuli nito ang kanyang kamay at ikinulong iyon sa mga palad nito. He gently squeezed her palm. Sa ganoong paraan ay may lakas siyang nakukuha mula dito.
“Kung naging mahinhin ba si Yvv ay magugustuhan mo siya?”
Kumunot ang noo nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa kanyang katanungan. Umangat ang sulok ng labi nito ngunit kaagad 'din nitong itinikom iyon. Hindi ito nagsalita bagkus ay nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Alam niyang hindi niya dapat itanong ang bagay na iyon dahil masasaktan lang siya.
Tongue may not have a bone but it can break someone’s heart. Gaya ng sabi ng iba, huwag kang magtanong kung ayaw mong maniwala o makinig sa isasagot nito. Ngunit heto siya ngayon, pilit niyang pinaglalabanan ang sakit upang malaman ang katanungang matagal na nanahan sa kanyang isip. Kung umakto ba siya gaya ni Lyvon ay magugustuhan kaya siya nito?
“I’m waiting for your answer,” she said in a low voice.
Matapos sabihin iyon ay nais niyang bawiin ang nasabi. Kahit naman mahalin siya nito ay hindi parin niya maipaglalaban ang pag-ibig na iyon. Hindi niya kayang makipag-kompetensiya sa kakambal. Vhon was her one and only family, she can’t afford to lose her twin just because of one man. Isa pa ay nais lang niyang mahalin si Zack at malaman kung gaano kasaya sa piling nito, subalit ni minsan ay hindi niya naisip na agawin ito sa kanyang kapatid.
Zack sighed heavily. “I don’t know. All I know is I love you.”
Tumango na lang siya. Binawi niya ang kamay dito at ibinaling ang atensiyon sa karagatan. Kakaunti na lang ang mga tao doon. Ang mga kasamahan naman nila ay abala na sa pag-eempake ng gamit para sa kanilang pag-uwi.
BINABASA MO ANG
JUST PRETEND AND BE LOVE (A Twist in My Story)
Romance"Living a day without you...would mean having no life at all... But if losing you is the best thing to make you happy... then I must live... without a life..."