“CONGRATS YVV.”
Nginitian ni Yvv ang mga taong bumabati sa kanya. Kakatapos lang ng proklamasyon para sa nanalong lakambini ng basketball team. Nakamit niya ang karangalan at sadyang hindi niya mailarawan ang nadaramang kasiyahan ng oras na iyon.
Matapos ang pag-uusap nila ni Zack noong isang lingo ay hindi na sila muli pang nagkita. Bagamat pinangko na niyang iiwasan ito at kalilimutan ang pagtingin ay pinili parin niyang sumali sa palaro. Mabilis na tinawagan niya ang kanilang kupunan upang sabihing pumapayag na siya sa alok ng mga ito. Mabuti at wala pang nakukuhang pumalit ang mga ito sa kanya.
She joined not just to impress Zack but also to prove something to herself. She was not competing with her sister, gusto lang niyang malaman kung kaya rin niya ang pakikipaglahok sa mga programang ganoon na madalas salihan ng kanyang kakambal.
“I told you, you will win,” si Jess iyon. Bagamat natalo niya ang kaibigan ay natitiyak niyang higit pa itong masaya sa nangyari.
Mula sa kung saan ay lumapit sa kanya sina Riex, kasabay nito si Chant at ang kasintahan nitong si Dash. Bumati ang mga ito sa kanya. Bakas 'din sa mukha ni Riex ang kasiyahan para sa kanya.
“She loses you. Talbog niya ang beauty mo,” si Chant iyon.
Mabilis na umismid si Riex, “Okay lang. Hindi naman ang korona ang habol ko dito. Atleast nakita ng mga kalalakihan ang taglay kong kagandahan,” humalipkip ito. “Madami 'din akong nakitang fafa.”
“Gaya ni Casmhere,” tudyo ni Dash.
Lahat sila ay napangiti sa reaksiyon ni Riex. Pinanlakihan sila nito ng mata.
“Duh! Not that jerk! He’s an arrogant beast!”
“Ang gwapong beast naman ni kuya,” sagot ni Jess. “It would be a priveledge to make you my new couple in my next novel.”
Sumang-ayon sila sa idea nito. Sa huli ay nagwalk-out na si Riex. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sa kanila sina Chant at Dash. Paalis na sila ng lumapit sa kanila si Zack. He’s just too good for her sigth. Nakakabulag ang taglay nitong karisma lalo na ngayong suot nito ang jersey na sadyang bumabagay sa perpekto nitong katawan.
Mabilis na nagpaalam sa kanya si Jesss. Subalit bago siya nito tuluyang iniwan ay binigyan siya nito ng isang mababalang tingin. Alam na niya ang ibig sabihin niyon. Jess was trying to tell her not to mess with her twin.
“Congarats Yvv.”
Tinanguan niya lang ito.
“You are very pretty.”
Nag-angat siya ng tingin. He saw his eyes glittered while staring at her. Ang red uniform mula sa kanilang team ang suot niya. Lantad ang mapuputi niyang balikat. Ang short naman ay umabot lang sa kalahati ng kanyang hita. Many praise her. Alam nilang siya si Yvv dahil umalis ng bansa si Lyvon. Ang manipis na make-up niya ay nagpatingkad sa taglay niyang kariktan. Inilugay 'din niya ang kanyang mahaba at makintab na buhok.
Mabilis na pinigilan niya ang kasiyahan dahil sa papuri nito.
“Anong nakain mo at pinuri mo ako?”
Nagkibit-balikat lang sa kanya si Zack. “Nothing. Uuwi ka na ba?”
Tumango lang siya.
BINABASA MO ANG
JUST PRETEND AND BE LOVE (A Twist in My Story)
Romance"Living a day without you...would mean having no life at all... But if losing you is the best thing to make you happy... then I must live... without a life..."