Bleeding Heart

33 0 0
                                    

  “YOU ARE HOT ZACK!”

            Sapo ang ulong nilingon siya ni Zack. Then a lazy yet very sexy smile curves his lips. “I know that I’m hot. That’s why many girls ran over me. What can I do? I was born with this sexy body and with such good-looking face,” pagmamayabang nito. Tatawa sana ito ng muli itong umungol sa sakit.

            Kung wala lang sakit ito ay kanina pa niya ito pinatikim ng suntok. Hindi naman siya nito inaakit subalit tila ganoon ang hatid niyon sa kanya. “Sira ulo!” Inalalayan niya ito hangang sa makaupo ito sa sofa. She sat beside him. “Kumain ka na ba?” tanong niya. Pasado alas-dos na nang hapon na iyon. Umiling ito. Man! Baka lalo itong magkasakit. Patayo na siya patungo sa kusina upang makapagluto ng lugaw na makakain nito. Maagap na na hinawakan siya nito sa dulo ng kanyang blusa. Maingat na tumayo ito upang samahan siya sa kusina. “Kaya mo ba ang sarili mo?”

            Ngumiti ito at itinaas ang braso. Ipinakita nito ang perpekto nitong braso na kinalalagyan ng sexy muscles nito. “Ako pa?” Mayabang na wika nito. Ilang segundo lang ay sinapo nitong muli ang ulo. “But my head still hurts.”

            Nilapitan niya ito at inalalayang muling maka-upo. Kahit puno siya ng pag-aalala ay natawa siya dito. “Ang yabang. Bagay sa iyo,” biro niya.

            He chuckled and turned to her. “You’re so mean.”

            Tumawa lang siya sa sinabi nito. How she misses this guy? He never failed to make her smile. Sa simpling patutsada nito ay napapatawa na siya. “I know. Matagal ko nang alam iyan. You always told me that.”

            Sumandal ito sa sofa habang ang atensiyon ay nasa kanya parin. “Really? So you are Yvv then. Siya lang naman ang sinasabihan ko ng ganoon. When it comes to Lyvon, I always tell her how adorable she was. He simple makes me adore her.”

            Nag-iwas siya ng tingin habang nagsasalita ito. Naramdaman niya ang mainit na likidong dumadaloy sa kanyang pisngi. Zack was right. When it comes to her she was just nothing but a friend sometimes her enemy. They were like cats and dogs who always argue. Subalit sa kapatid niya ay napaka-lambing nito. He treats her twin like a gem.

            She wiped the bead of tears on her cheeks. Noon pa man ay tangap na niya ang bagay na iyon. She knows how falling inlove would hurt her so much. She simply understands it but why does it still hurt? And even now that they can’t be together she still thinks of him.

            She was ready to tell him everything. That she was really Yvv and not Vhon. She cleared her throat and gets some strength to start her confession. “Actually… I’m really,” nang balingan niya ito ay nakita na niya itong natutulog. He was peacefully sleeping. Sana kahit sa panaginip ay mahalin siya nito. “Sira ulo ka talaga Zack. Tinulugan mo ako.”

            Pinagsawa muna niya ang sarili sa magandang tanawin bago niya pinasyang gisingin ito. Marahang tinapik niya ito sa braso. “Zackarias Salvador Villiego.”

            Umungol ito. Sarado ang isang matang humarap ito sa kanya. Kahit ano yata ang gawin nito ay sadyang hindi ito papangit sa kanyang paningin. “Yes?” paos na wika nito.

            “Go to your room and take some nap. Pagising mo ay luto na ang lugaw mo.”

            Muli itong umungol. “I can’t stand... can you bring me to my room?” Puno nang pagsusumamo ang wika nito.

            Hindi siya natinag sa kanyang kinauupuan. She just watched him. Nabigla siya nang humilig ito sa kanyang balikat. Naramdaman niya ang mainit na pagdampi ng hininga nito sa kanyang leeg. Muli na namang nagdrigon ang puso niya dahil dito. Muli niya itong tinapik upang magising. Zack just stare at her with an unreadable expression. Tinapik niya ang kanyang balikat upang sabihing aalalayan niya ito. Isinampay nito ang braso sa kanyang balikat. Maingat na tumayo sila at daha-dahang naglakad patungo sa silid nito. Kabisado parin niya ang pasikot-sikot ng bahay nito.

            Inalalayan niya ito hangang sa tuluyan na itong makahiga sa kama. Tatalikod na siya ng maagap na pigilan siya nito sa braso. She turned to him. Bago pa siya nagsalita ay nauna na ito.

            “Thank you Vhon. For coming here and taking care of me.”

            Tumango lang siya dito. Hearing her twins name coming from his lips ripped her heart. Tuluyan na itong pumikit. Tinablan na ito marahil ng karamdaman. Suddenly tears rolled down her cheeks. Mabilis na lumabas siya sa silid nito at tinungo ang kusina. No need for her to grief.

            Abala siya sa pagluluto ng marinig ang mahinang ungol mula sa silid ni Zack. Hininaan niya ang apoy sa kalang bago mabilis na tinungo ito. Nang daluhan niya ito ay sigurado siyang mas tumaas ang lagnat nito. Kumuha siya ng palanganita at nilagyan iyon ng tubig. Mabilis na nakahanap din siya ng twalyita. Kinuha niya ang alcohol mula sa first aid kit nito at ibinuhos ang kaunting laman niyon sa palanganita.

            Maingat na pinunasan niya ito. Bakas dito ang hirap at sakit dala ng karamdaman. Nag-iisa lang si Zack sa bansa. Nasa ibang bansa ang buong pamilya nito. Sa pagkakaalam niya ay sa susunod na taon pa babalik ang mga ito sa bansa.

            Nang matapos siya ay naghanap siya ng damit nito sa closet upang palitan ang t-shirt nito. Maingat hinubad niya ang suot nitong pang-itaas. Nagkabuhol-buhol ang puso niya sa nakita.

            Zack has a perfect curved. Matipuno ang katawan nito. Halos matuyuan siya ng lalamunan habang minamasdan ang six pack abs nito. Nang gumalaw ito ay mabilis na ipinasuot niya ang bagong damit. She silently wacth him. Sa ganoong paraan ay malaya niyang mapagmamasdan ang mukha nito.

            Isinawsaw niya ang twalyita sa tubig bago niya iyon ipinilipit at inilagay sa noo nito. Kahit papaano ay bumaba na ang temperatura nito. Her hand moved and reached his face. Kusang humaplos iyon. She can freely touch him when he was sleeping.

            Zack move and held her hand. Nabigla siya subalit may kung anong kasiyahan siyang nadama. Maaring nananaginip na naman ito.

            “Vhon…”

            For the second time, she felt a dagger on her heart. Sa huli ay pinili niyang magpakatatag at sagutin ang pagtawag nito sa kanya. She was imitating her twin. Dapat lang na panindigan nito ang pagiging si Lyvon. Eventhough calling her Lyvon by her love, bury her in hell.

            “Zack…”

             Nang hindi ito sumagot ay binawi na niya ang kamay at iniayos ang pagkakahiga ni Zack. Tumayo na siya upang balikan ang nilulutong lugaw. For the last time she turned to Zack.

            “I… love… you…” mahinang ungol nito na maaring parte ng panaginip nito.

            Tinakpan niya ang bibig upang mapigilan ang paghikbi. “Zack.”

Tuluyan nang kumawala ang luha niya. Sa iisang araw lang ay tatlong beses siya nitong pinaiyak. He made him cry even without him noticing or even beyond his consciousness. Ganoon nito kamahal ang kakambal niya na maging sa pagtulog nito ay ito lang ang tanging tinatawag. But for her, it was a priveledge to be Lyvon now. Dahil ang pagkuha niya sa identidad ng kakambal ang tanging susi upang maramdaman niyang mahal siya ni Zack.

            He said he loves me.

            Yeah he did. But that was because you were Lyvon right now.

            Atleast I hear him saying those three magical words for me.

            You really are helpless Yvv.

            I know.

            Bago siya lumabas sa silid nito ay naalala niya ang sinabi ni Vhon.

“Ibibigay ko lahat ng gusto mo, either I’ll do everything you ask for.”

            Pwedi kayang si Zack na lang ang hilingin niya dito? If Vhon did that she will be the happiest person in the world. Ang kaso mahalin kaya siya ni Zack? Wala na talagang pag-asang makamit ang pag-ibig nito. Maybe in her dreams she can own Zack and have his love. But that will be only in dreams. Because in reality she can’t own Zack, for he already belong toher twin.

JUST PRETEND AND BE LOVE  (A Twist in My Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon