Chapter 3:PAGBIGYAN

453 13 7
                                    

ARIA

We entered the usual noisy cafeteria. Everyone was busy at their own biz. Like talking about whats new in school or plain topics. Yung iba naman nakaupo lang sa at kumakain.

Umupo kami sa isang table sa bandang gilid ng malaking kuwarto na ito.

"So, sino naman ang kukuha ng lunch?" Tanong ni Seth at linibot ang tingin samin. The couple beside me just shrugged. "Kayo naman, kahapon kami yung kumaha" sabi ni Eve. Bumuntong hininga na lang ako at tumayo. Wala rin namang patutunguhan ito kundi away. "Ako na lang kukuha..."

Akmang aalis na sana ako nang may humawak sa kamay ko. Pagkatingin ay si Seth lang naman pala. "Samahan na kita" nakangiting sabi niya. Nakita ko pa kung paano biglang nandilim ang ekpresyon ni Colt na nasa likod niya. "Oh sige..." Simpleng sagot ko at kumawala sa pagkakahawak niya at nauna nang maglakad.

Pumila kami sa mahabang linya ng mga estudyante na naghihintay rin ng pagkain nila. Kung si Eve lang ang nandito malamang sisigawan niya naman ang mga ito na magsitabihan para makadaan siya. Just like what she did on our first day of class...

Napangiwi ako sa naisip ko. Bakit ba ako nalulungkot? Dapat akong maging matatag dahil alam kong yun din naman ang gusto ni Ace at Ash para samin.

"Ayos ka lang?"

I felt his hand on my shoulder. Agad ko itong inalis. "Oo" tipid na sagot ko. "No your not" he said and turned me to face him. My eyes widened when our face met. Our nose were almost touching as our face's gap from each other were only inches.

"Don't lie to me Ria, kilala kita..."

Agad ko siyang tinulak palayo. Linibot ko ang tingin sa paligid at nakitang wala namang nakatingin o nakikinig kaya hinarap ko siya muli. "Kilala mo naman pala ako eh, bakit kapa nagtatanong?" Sabi ko at binigyan siya ng matalim na tingin bago humarap muli sa linya.

It was finally our turn. Binigay sa amin ang apat na tray ng pagkain. Ang dalawa ay kinuha ko at si Seth naman ang kumuha sa dalawa pa.

Bumalik kami sa lamesa namin at sinalubong nanaman kami ng masamang titig ni Colt. Si Seth lang naman ang tinitingnan niya. Tiningnan ko si Eve at tahimik lang siya. Si Seth naman ay parang wala lang sa kanya ang matutulis na titig ni Colt.

Ano ba ang problema nilang dalawa?

Hindi ko nalang ito pinansin pa at nilapag na lang ang pagkain at nagsimulang lantakan ito. I'm pretty sure its one of those regular fights they have. Magbabati din sila mamaya o kinabukasan...

SETH

Tinitigan niya ako ng masama. Hindi ko na lang iyon pinansin. Simula naman nung sinabi ko ang tungkol doon ay nagsimula na siyang magalit kaya ayos lang.

"Akala ko ba titigilan mo na ang kung anong meron ka sa kanya?!" Agad niyang salubong pagkasara niya ng pintuan ng kwarto namin. Hindi ako sumagot.

"Dammit Seth! Alam mo ba yang papasukin mo?! Kamumuhian kayo ng pamilya niyo! Pati na rin siguro ang academy at buong lipunan! Ayos lang siguro kung wala kayong pangalan na pinoprotektahan, pero dahil nga meron kayo ang pagpi-piyestahan ng chismis!"

Team MagiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon