Chapter 7:The kiss & The Space

479 14 3
                                    

ARIA

"Morning!" Halos mapatalon ako sa pagbati sakin ni Seth. Fuck!

"M-morning..." Bati ko rin. Ewan ko nga lang kung narinig niya. Halos binulong ko lang kasi ang sinabi ko.

Mas lalo pa akong nabigla nang inakbayan ako ni Seth. My heart just skipped at beat.

"Asan si Eve?" Nagtatakang tanong niya. Doon ko naalala ang nangyari kagabi.

Bumalik kasi si Eve sa kwarto namin na umiiyak. Halos wala nga siyang tulog kagabi.

"Aria...you're so deep in thought. What's going on there?" Tanong ni Seth at tinuro ang noo ko.

"W-wala!" Bulalas ko at tinanggal ang kaniyang brasong naka akbay sakin. "Nasa clinic si Eve. Nagkalagnat siya kagabi."

"ANO?!"

Napatingin kami sa likuran namin at nakita si Colt. Napasimangot ako nang makita ko siya.

"Kung maka 'ano' ka jan, parang di mo alam na kasalanan mo ang lahat eh!" Naiirita kong sabi.

"Oh please Aria! Di naman tayo mapupunta dito kung hindi dahil sayo eh!"

"Fuck Colt! Walang kasalanan si Aria dito! It's my decision!"

Para bang linagyan ng glue ang labi ko at hindi ako makapag salita. Ako ang may kasalanan? P-paano?

"Anong ibig mong sabihin Colt?" Nagtatakang tanong ko.

Bumuka ang bibig ni Colt. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko ng sobrang higpit.

"Tsk! Whatever!" Inis na sambit ni Colt at naglakad paalis.

"Tayo na Aria" sabi ni Seth at hinila ako papuntang classroom, pero di ako humakbang. I stood still.

Tumigil siya at tinitigan ako. "Aria?" Tiningnan ko lang siya. Ako ba talaga ang dahilan? Paano yun nangyari?

"Paanong ako ang dahilan ng pagtatalo niyo ni Colt?"

He only gazed at me. Then a few moments he removed his hand from mine and cupped my cheek.

My heart started to beat faster and louder. So loud that I could hear it.

"Aria..." Bumuntong hininga siya. "Colt knows about my feelings. Tutol siya at doon nagsimula ang mga alitan namin..." Paliwanag niya.

I glared at him. "Tama naman kasi si Colt eh. Dapat di mo ito ginagawa!" Sabi ko at naglakad paalis. Fuck! This is stupid! Bakit nangyayari sakin ito ngayon?!

"A-aria!"

Di ako lumingon at dere-derechong naglakad. I'm the reason for all of this! Kasalanan kong nagkaganito silang lahat.

–°°°–

"Kamusta kana Eve?" Tanong ko. Nandito parin siya sa clinic. Nanghihina parin.

Napabuntong hininga siya. "I don't know kung kamusta na ang puso ko. But I know that I'm not feeling pretty" nakangising sagot niya at tinuro ang eyebags niya. Natawa naman ako. "Yep. You look pretty awful. So awful that I'm starting to think na mas maganda pa'ko sayo!" I joked and stuck out my tongue.

Team MagiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon