Chapter 5:Furious

442 10 1
                                    

EVE

I listened to the discussion but with my mind zoning out. Gusto ko man-trip.

Napatingin ako kay Know-it-all at nakita kung gaano siya ka-distracted at mukhang malalim pa ang iniisip. Napakunot ang noo ko dahil dito. First time kong makita siyang ganito kalalim mag isip, kaya inalis ko na lang siya sa target list ko. One thing I learned is to not ever mess with Aria when she's deep in thoughts.

The next thing I did was to look over my shoulder. Tiningnan ko si Colt. Nakaukit parin ang galit sa mukha niya. His eyes were a sharp as a knife, and if it could kill...lahat siguro ng natatamaan ng titig niya ay nakahandusay na sa sahig. So yeah...out din siya sa target list ko.

Then linipat ko naman ang tingin ko kay Seth. He was staring intently at Aria. And something was definitely wrong with his expression towards his cousin. And yeah out din siya as well.

Geez. Can anybody stop being this serious?! Nakaka out of place!

Hinarap ko muli ang teacher na nagdi-discuss at timing naman na may kumatok sa pinto kaya naudlot ang topic.

May pumasok na staff ng academy at kinausap si ma'am. Maya maya ay bumalik ulit si ma'am at linibot ang tingin sa buong klase. Her gaze landed on me.

"Miss Aishling pinapatawag ka sa principal's office..."

Tiningnan ako ng ibang kaklase ko at halatang interesado sila. Tsk! Mga chismosa!

Lumabas na lang at ako at dumarecho sa office.

Pagkarating ko ay nakita ko si Miss Aliana na nasa labas ng office niya at may dala-dalang folder.

"You called ma'am?"

Ngumiti siya. "I'm not the one who called. Pasok ka sa office, someone wants to talk to you, aalis na ako dapat hinihintay lang kita..." Tumango na lang ako at pumasok.

Agad akong umirap ng makapasok na ako. Hindi para kay ma'am yun. Para yun sa taong tumawag sakin...

Sinagot ko ang tawag sa telepono. "Hello. Anong kailangan mo?" Agad kong salubong nang ma-pick up ko na. It may be rude but so what? Like they give a damn about me–uulan na lang siguro ng himala kung mangyari man yun.

"Evie, kumusta kana jan?" Tanong ni dad. Ngumiti ako ng plastik kahit hindi niya naman ito nakikita. "Ayos lang, hows mommy?"

"Ayos lang ang mommy mo, although she's a bit stressed because of your siblings–" mukhang masaya pa naman siya sa paga-assume na yung asawa niya ang tinitukoy ko. But..." Oh no, not that mommy dad. I mean my real mommy, yung nanay kong ako lang ang anak. yung ako lang yung pinagbuntis? The one who carried me into her womb?" Puno ng pamimilosopo at sarkastiko kong pag putol sa kalagitnaan ng pag aasume niya.

The other line was silent for few moments. "O-oh...y-your mom is finally buried, sayang nga't hindi ka nakadalo..."

I smiled bitterly. "Oo nga noh? Sayang at di ko naipagtanggol si mommy sa huling pagkakataon..." Matabang na sabi ko. I feel like I'm going to vomit at how my voice sounds and tastes like.

Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya. "Evie...now that your mom is gone, I think...its time for us to move on and start a new. Be a member of our family princess..."

Napangiwi ako sa sinabi ni dad. "Start a new? Just because mom's dead? Gaano sa tingin mo ka simple yun dad?!"

"Eve–" something definitely snapped in me. Look out here comes the bitchy brat dad!

"No! Akala mo ba porke namatay lang si mommy makukuha mo na ako?! Ano yun? Parang bang school organization na once na nadisolve na lilipat sa bago?! Bakit mo ba ako pilit na pinapalipat diyan sa oh-so-perfect family mo?! Tell me..? Ano bang magiging role ko jan? Diba sampid lang?! Walang akong role jan, wala akong pwesto jan at higit sa lahat ayaw nila sakin!!"

Pula na ako dahil sa galit na nararamdam ko. What does he think of my mother's death?

"EVANGELINE AISHLING! HOW DARE YOU TALK TO ME LIKE THAT!?!"

I know he's mad. Once he calls me by the name I was supposed to go by, it means he's furious. "Do you think na madali sakin ito ha?! Of course not!" He continued. Umirap naman ako muli.

"Well, daddy, unfortunately oo, akala ko madali lang sayo. Diba nga madali lang buntisin si mom tapos pabayaan? Diba madali lang i-spoil ako sa mga materyal na bagay pero hindi sa pagmamahal?! Diba madali lang?!"

Tumahimik naman muli ang kabilang linya. I was gritting my teeth. I was shaking violently. I was so damn furious to the point na wala akong pake kung ama ko man siya, basta mapatay ko lang siya ayos nako.

"Tama ba ako? Diba madali lang para sayo ang lahat? Basta na suportahan mo ako sa kailangan kong pera sa pag aaral at nakita akong lumaki, ayos na sayo? Ayos lang sayo na yung mga anak mo sa asawa mo pinapangiti mo, yinayakap mo, minamahal mo! Ayos din sayo na yung anak mo naman sa kabit mo, ay sinusuportahan mo lang sa pera, binibigyan ng gamit, at tinitingnan sa malayo! Kasi nga kami yung masama! Si mom yung kabit ako yung sampid! Ako yung kasalanan!"

I took deep, heavy, shaky breaths. "So here's the thing daddy. Never ever involve my mother's death to your srupid plans. That thing you call love for me? Please...wala ka sa kalingkingan ng sakripisyo ng nanay ko. You only care because your guilty. You only think of me as your responsibility!" I heard him call my name but I already ended the call.

Padabog akong lumabas sa office at nagmartsa papuntang kwarto namin. Wala na akong balak pang pumasok sa klase. Nasira lang araw ko.

Umupo ako sa kama ko at niyakap ang unan ko ng sobrang higpit. I could even feel my nails tugging in the fabric of the Pillow's cover.

From soft and quiet sobs hanggang sa napaghagugol na ako ng sobrang lakas. Are people this evil? Pati kamatayan ng iba gagamitin nila makuha lang nila gusto nila?

Tiningnan ko ang kama ni Ace at mas lalong napahagugol.

"Ace...asan ka na? Kailangan kita, you're the only one who can understand me. You're the only shoulder I can cry on right now...Ace, where are you when we need you..?"

Kumirot ang puso ko habang sinasabi ang mga ito. Funny how those people you think are nothing to you can hurt you so much.

_______________________________

[A/N: ang hirap gumawa ng maraming POVs! Its so confusing that its frustrating!!! But fun anyway. Worth it din ito pag ending na. Hahaha excited na ako agad hindi pa nga tayo nasa chapter 20.

Hope you enjoyed guyz! Bye!]

Team MagiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon