PATRICK'S POV
Andito kami sa ospital ngayon at nasa emergancy room pa din si dindy, 1 hr na siyang nandun. Wala pa bang results sa nangyayari sakanya?
Nakakainis lang, kung bakit hindi niya sinabi sakin? At nakakainis lang din na ayaw sabihin sakin nila niña -_-
Nung nalaman nga pala ni Ann na kapatid niya si dindy, umiiyak siya na tumatawa, baliw ata yung batang yun eh hahah. Pero de naeexcite na din siyang magising si dindy at ibalita na magkapatid sila.
"Sino po ang pamilya ni Cindy?" Sabi nung doctor.
Napatayo naman kami at pinuntahan yung doctor na nasa loob ng E.R.
"Gusto ko lang po ipaalam na kailangan na po istart ang chemotherapy tomorrow, lumalala na po ang sakit ni cindy lalo na't pinagod pa niya ng sobra ang sarili niya. Kung hindi pa po ito ipapa chemo, dadagdag ng dadagdag ang cancer cells niya in any hour."
"Doc pls do your best..." sabi ni tito andro.
"I will Mr. Hermosa, maiwan ko muna po kayo." Doc.
umalis si tita and tito para kumuha ng damit ni dindy at para mabayadan na ang pagka-admit ni dindy dito at para sa chemo niya bukas. naiwan kami ni nina dito.
natatakot ako, baka magkatotoo kasi yung panaginip ko.
mahal ko nga ba talaga si dindy? mahal ko na ba siya?
p-pero diba ayaw ko sakanya? sinabi ko noon na hindi ako magmamahal ng isang babaeng katulad niya, ng isang babaeng sobrang kulit at isang babaeng bestfriend ko lng.
kalimitan kasi diba ganun? nagkakatuluyan yung mga magbestfriends. dahil ba, madami na silang napagsamahan at nagkadevelopan na sila? sakin hindi ganun, pero syempre dadaan din kayo sa FRIENDS.
kami naman ni dindy dumaan sa pagiging bestfriends, pero bata pa kami nun. di ko nga alam tong nararamdaman ko eh, naawa lang ako siguro sakanya.
ang daming tanong na nagtatalo sa isipan ko ngayon.
Yun ay BAKIT NIYA TINAGO SAKIN TONG SAKIT NIYA?
sabi niya, okay naman siya? kahit naman tong si nina ayaw sabihin sakin eh alam ko naman na may alam siya.
"Patrick. Huy!" shet. gising na pala si dindy.
mukha naman siyang masigla? o pinipilit niya lang para sakin?
"bat ngayon ka lang gumising?!" masungit na sabi ko.
"hala. kasalanan ko ba yun? haha. di ko naman kinocontrol pag tulog ko eh, nahilo---"
"Tumigil ka nga dindy! alam ko na! may leukemia ka! bat mo tinatago ha? tumigil ka sa kunwari 'okay ka' pero you're not! stop that drama dindy! i hate it." sabi ko at napatungo.
obviously, nagulat sya sa sinabi ko, nakita ko din na teary eyed na sya kaya pinunasan ko yon at hinawakan ko ang kamay nya.
"I'm Sorry Patrick."
"bat kailangan mong itago? tinago mo sa bestfriend mo..." sabi ko ng malumanay.
" alam mo naman na hindi bestfriend ang tingin ko sayo patrick? ayaw mo na nga sakin, baka layuan mo pa ko at mandiri ka pag nalaman mo sakit ko."
"Ha?! hindi kinadidirihan ang sakit dy. di naman nakakahawa yan pag lumapit ka sakin. atsaka oo nilalayuan kita dati pero hindi dahil ayaw kita, nasobrahan na kakulitan mo nun at dumating sa point na nairita ako ng sobra. sanay kase ako na tahimik ka lng."

BINABASA MO ANG
BAKIT BA ANG KULIT MO?
Teen FictionKahit ganyan ka, kala mo basta basta nalang ako susuko? Huh! Kala mo lang yun, Patrick Ramos!