Patrick's POV
monday morning ay pumasok na ko, alam ko bilang 4th year, marami akong hahabulin sa mga namissed kong seatworks, quiz at homeworks, pati na din pala ang recitation.
dito muna nakatira samin ngayon si ann, hiniram kasi ni mommy kela tita candice. nag-aaral na din siya sa school namin, grade 2 na nga eh, ang bilis lng. at napaka-talinong bata ni ann.
"Patrick, Anak! kanina ka pa inaantay ni ann sa labas ng bahay, ang tagal mo naman." sigaw nanaman ni mommy
pang ilang ulit na nyang sigaw yan ah. leshe hahaha.
"Tita Patricia, okay lang po no. sige kuya patrick, take your time." buti pa yun bata. pshhh.
"eh kase male-late ka na, iba naman yung oras mo sakanya no." sabi pa ni mommy.
"okay lang po yun, flag ceremony naman po dadatnan namin dun eh. okay lang po yun."
"hay nako etong mga batang to tlaga oh."
kumain na kami ng breakfast ni ann at maya maya ang umalis na din kami sa bahay.
pagdating namin sa school, sinalubong ako ng mga kabarkada ko kasama ang mga girlfriends nila.
"Bro! anyare sayo? ilang buwan nawala ang gago." Sam.
nakita kong napasimangot si ann kay sam.
"Kuya patrick is not a gago, okay? if he's a gago, you're a tarantado." woooh, bata po ba tlaga to? :o
"Pst! baby, that's not right ha? you're saying bad words, diba i thought you how to speak fluently to other people kahit hindi maganda ang sinasabi nila dba? say sorry."
"Sorry po kuya sam."
"Luh? bata pa tlaga nagsorry sakin eh ako na nga ung nagmura haha. de baby, it's okay no." Sam.
ang bait sa bata woooh ahahaha.
"Sge na po kuya patrick, i'll go na po sa classroom ko po. see you laterrr." Ann.
nag-wave naman ako ng hands sakanya at nag-smile.
"So Bro! bakit nga? anyare sayo? may cancer ka na din?" tumingin ako ng seryoso kay ivan.

BINABASA MO ANG
BAKIT BA ANG KULIT MO?
Teen FictionKahit ganyan ka, kala mo basta basta nalang ako susuko? Huh! Kala mo lang yun, Patrick Ramos!