DINDY'S POV
maaga nanaman ako nagising ngayong araw na to, as usual my daily routine. Ang salubungin ang aking future boyfriend sa may labas ng gate ng school kahit nale-late na siya pumasok minsan. Okay lang yun no. Basta ba ako nakikita nya sa umaga eh :">
"GOOOOOOOOOOOOOOODMORNING MANANG!" Sigaw ko pagkababa ko ng hagdan. Hyper ko no?
"Walang Good sa morning kung umagang umaga naka sigaw ka, nakakarindi" bulyaw ng pinsan ko. Dito yan nakatira. Si Lorenz, pusong babae pero lalake -_-
"Ikaw naman pinsan. Di ka na nasanay sa bunganga ko"
"Lalandi ka lang naman eh, cheh!" Aba. Salbahe to ah.
"Hahaha hay nako mga bata. Kumain na kayo ng breakfast niyo at papasok na kayo sa school" natatawang sabi ni manang.
"Manang, sabay sabay na tayo nila mommy at daddy" sabi ko.
"Maaga nga pala umalis sila tita. May aasikasuhin daw dun sa kumpanya kasi may nangyari" Lorenz.
Ayaaan! Wala nanaman sila. Halos every weekends ko nalang sila nakakausap, minsan nga di na din nila ko kakausapin tuwing weekdays kase kesyo pagod daw sila, busy, inaantok.. Hay nako -_- for short WALANG TIME SAKIN!
"Ay nako iha. Sige na magsikain na kayo." Sabi ni manang.
Kumain nalang ako, di ko kase maramdaman na anak nila ko, buti pa nga tong pinsan ko kahit malayo siya sa nanay niya nakakausap nya lagi. Pano kase nasa probinsya magulang nya eh dito siya nagaaral sa maynila kaya dito nalang pinatira nila mama.
Pagtapos ko kumain, naligo at nagbihis na ko ng uniform. At sumakay na sa kotse. 8:30 am pa naman start ng klase namin, 7:00 ko lang tlaga gusto pumasok dahil nga dba? Alam niyo na!
15 mins lang at nandito na agad kami sa school, tumakbo na ko ng Guard House. Buiset kase to si kuya driver sabi nang dun ako ibaba sa may guard house eh, pinasok pa sa loob ng school. Josko!
"HI MANONG GUARD!" Sigaw ko.
"GoodMorning naman Dindy! Hindi ka ba nagsasawa na intayin tuwing umaga dito yan si patrick?" Tanong ni manong guard.
"Ayuun alam na alam manong hahah. Hindi bat naman ako magsasawa? Basta mahal di pinagsasawaan."
"Bata ka pa oy. Mangarap ka muna hahah" Manong Guard.
"Wala na yun. Basta siya ang inspirayon ko eh. Tsk manong tlaga."
"Hay sige sige. OH! Ayan na pala si Patrick eh" Napalingon agad ako dun sa labas ng gate. Naglalakad lang siya kase malapit lng naman bahay nya dito. Pero bat ganun? Ako din naman ah? Hmp.
Papalapit na siya dito sa Entrance, hay nako patrick. Bat ba ang gwapo mo? Pero bat ang suplado mo din? Hellooooo! Hay nako.
"HI PATRICK!!" Masigla kong sabi.
"Psh. Tumabi ka nga dyan!" Masungit nanaman to. Kala mong may PMS araw araw eh? Babae ka ba ha?
"huy patrick sabay na tayo sa locker!" Ako.
"Bahala ka sa buhay mo!" Patrick. Daldal lang ako ng daldal habang naglalakad kami, kinuwento ko sakanya yung nangyari kagabi na may nakita akong nahulog sa bangbang, tas yung naihing lalake na pagkaharap di pa sarado yung zipper. Hahah pati ako natata---- "Putspa Dindy, wala na bang araw na hindi ka matatahimik? Ha?"
"Nagkwekwento lang naman eh, Share lang! Ano ka ba, mas masarap kaya mahalin mga tulad ko? What do you think patskie? Hahah" Inirapan niya lang ako sa sinabi ko at pumunta na sa locker room.
BINABASA MO ANG
BAKIT BA ANG KULIT MO?
Teen FictionKahit ganyan ka, kala mo basta basta nalang ako susuko? Huh! Kala mo lang yun, Patrick Ramos!