Anghel sa Lupa

578 7 2
                                    

WARNING: Walang intimate na storya ang babasahin niyo ngayon.

Authors POV

Maagang nagising si Leonor ng linggong iyon dahil sa kanyang panaginip o pwede ding sabihing bangungot. Hindi pa din siya makapaniwala na ang lalaking makikita nya sa panaginip kung saan siya ikakasal eh ang lalaking yun. Agad nyang inihanda ang gamit pampaligo. Bago pumasok ng banyo ay humigop muna sya ng kape at kumagat sa tinapay na may palamang bacon. Pagkapasok nya ng banyo ay nagsipilyo sya. Matapos ito ay hinubad na nya ang kaniyang saplot. Pinagmasdan nya ang kanyang kahubdan sa salamin. Parang may pinagbago ito. Mas lalong naging mayabang ang kanyang dibdib at mas lalong kumurba ang kanyang katawan. Swerte naman ng lalaking yun kung siya ang makakalaspag ng katawang ito. Ultimo siya ay animo nabibighani sa pagbabagong iyon ng kanyang katawan. Kung hindi nga lamang na sa simbahan ang punta niya, baka nagawa na nyang magritwal. Sinimulan na nya ang kanyanb paliligo. Nilinis ng maigi ang katawan. Sinabon ang kasingit singitan nito. Nagshampoo ng buhok, muling nagsabon at saka nagbanlaw. Halos kalahating oras din siyang naligo. Pero kubg tutuusin mabilis pa iyon kesa sa kanyang nakaugalian. Nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng banyo. Pagkalabas ay tinapos na nya ang kanyang pag aalmusal. Matapos kumaen at nagpahid na siya ng lotion na lalo pang nagpaputi at nagpakinis ng kanyang balat. Sinimulan nya ng magbihis ng tumunog ang kanyang telepono. Sinilip nya ito at nakitang numero ito ng kanyang dating nobyo. Hindi nya ito sinagot. Tinapos na nya ang kanyang pagbibihis. Nagpulbos ng konti, at nagpahid ng lip balm. Hindi sya ganun kahilig na mag make up. Kinuha na nya ang kanyang shoulder bag at naghandang umalis. Bago tuluyan lumabas sa kanyang condo ay muli nyang tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Napakaseksi nyang tingnan kahit sa simple lang na kasuotan. Naka jeans lang sya at hapit na tshirt, nakalugay ang mahabang buhok. (See photos) pagkatapos nito ay lumabas na siya at sumakay ng elevator. Pagkababa ng elevator at nakita sya agad ng guwardiya at binati ito. Pagkalampas nya dito ay napailing na lang si manong guard at nasabi sa sariling, ang ganda talaga ng batang yun, parang anghel, napakaswerte ng lalaking makakabiyak dito, sabay kambyo. Samantalang nakarating na si Leonor sa kanyang kotse at agad na sumakay maswerte at wala pang masyadong traffic at nakarating  agad siya sa simbahan. Halos isang oras lang ang misa. Pagkatapos ng misa ay nag usal muna sya ng panalangin bago tuluyang lumabas. Nagkita sya ng isang batang paslit na nagtitinda ng sampaguita. Binili nya ng lahat ang tinda nito para makauwi na. Inabutan nya ito ng limang daan at di hiningi ang sukli. Salamat ate ganda, hulog ka po ng langit, ang sabi ng dalagita at tumakbo na palayo. Ganun din ang ginawa niya sa isang matanda na nagtitinda naman ng mansanas bumili din sya dito at muli ay nagbayad ng limangdaan at wala ng sukli. Dumiretso na siya sa kanyang sasakyan at dumaan muna sa isang grocery. Medyo nagkakagulo ang tao doon, subalit ng pumasok siya ay parang may dumaang anghel at nagsitahimik ang mga ito. Sya naman ay dirediretso lang sa pagpili ng kanyang mga kinakailangan bilhin. Matapos makapamili ay agad na syang nagtungo sa couter. Matapos ito ay kanya kanyang unahan ang mga bagger para tulungan siya sa kanyang pinamili. Hinayaan na lang niya ito. Matapos maisakay ang lahat ng kanyang pinamili ay sumakay na siyang Muli sa kotse. Bago umalis ay nagpasalamat muna siya at kinindatan pa ang mga ito. Tuwang tuwa naman ang mga mokong. Agad syang dumiretso sa tahanang walang hagdan, isang orphanage para sa mga matatanda. Buwan buwan siyang pumupunta dito para magbigay ng grocery. Pagdating sa lugar ay agad siyang nakita ni sister Angela. Tuwang tuwa ito. Tinawag nito ang mga kasama upang siya ay salubungin. Leonor, maligayang pagbabalik. Hindi ka pa din nakakalimot at patuloy ka sa pagganda ang sabi ni sister angela. Kayo naman po nambola pa, ito po oh para muli sa matatanda at inabot nito ang kanyang pinamili. Agad syang dumiretso sa mga hardin kung nasaan ang mga matatanda. Agad nyang hinanap ang paboritong nya sa lahat si Lola Pangie. Lola pangie heto na po uli ako sigaw nya. Ay ikaw pala Leonor buti naman at nadalaw mo uli ako, ay kumusta ka apo, lalo kang gumanda ah, naku yung bilin ko sayo ha, tiyak madami kang manliligaw, wag isusuko ang bataan mahabang lintaya ng matanda. Opo lola pag sang ayon naman ni Leonor. Humaba pa ng humaba ang usapan ng dalawa. Dumating ang hapon at nagpaalam na si Leonor. Muli tinahak nya ang daan pauwi. Ilang oras din at dumating na siya sa bahay. Laking gulat nya dahil mayroon siyang hindi inaasahang bisita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty and the BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon