Nagising si Leonora sa isang maliit na kwarto. Kahoy ang dingding kalawangin na ang bubong at matigas ang kamang kawayan. Masakit ang kanyang ulo at katawan lalong lalo na ang pagitan ng kanyang hita. Unti unti niyang inalala ang nangyari ng nakaraang gabi. Pumunta siya sa kaarawan ng kanyang boyfriend upang sopresahin ito. Dala niya ang kanyang regalo na matagal na nitong hinihiling. Nakabalot ito sa isang mamahaling tela na hapit na hapit sa kanya. Laking pagtataka na lang niya ng pagbaba niya sa kanyng kotse ay walang party na nagaganap sa condo ng boyfriend niya. Tatawagan niya sana ang kanyang boyfriend sa cp nito subalit gusto niya itong masorpresa. Galing pa siya sa Baguio dahil sa school activities at bukas pa sana siya uuwi, subalit nabasa niya ang txt ng kanyang bf na kaarawan pala nito at hinihiling na sana ay makasama siya. Ipinaliwanag naman niya na hindi maari dahil sa activity. Swerte namang natapos na agad ang activity at heto na nga siya para sorpresahin ang kanyang bf. Alam niyang nagtampo ito kanina kaya naisip niyang bumawi dito sa pamamagitan ng isang espesyal na regalo. Ang kanyang katawan at ang pagkabirhen nito. Tutal mahal na mahal naman niya ito at tingin niya siya na ang lalaking pinapangarap niya. Gamit ang kanyang sariling susi nakapasok siya sa condo ng kanyang boyfriend. Nagkalat ang ilang bote ng alak at magulo sa sala. Hindi na niya ito pinansin at pinagpalagay na nagkaroon nga ng party dito kani-kanina lang. Nagtungo siya sa kwarto subalit laking gulat niya ng isang ungol na babae ang kanyang naririnig. Saktong nakaawang ang pinto at kitang kita niya na nangangabayo ang isang babae sa kanyang boyfriend. Kilala niya ito, ang muse ng basketball team ng kanilang paaralan. Pumutak ang luha niya at kaagad na umalis sa condo. Naisipan nyang pumunta sa isang bar at nagpakalasing. Nang makaramdam siya ng pagkahilo nagdial siya ng kung sinu sinong number ng mga suitors niya para magpasundo. Makaraan ang ilang sandali ay may sumundo na sa kanya na hindi na niya namukhaan dahil sa sobrang kalasingan. Sa loon ng sasakyan niya inalabas ang sama ng loob at umiyak ng umiyak. Hanggang aa makarating siya sa isang bahay na pamilyar din naman sa kanya. Pumasok sila sa isang kwarto at doon ay unti unti siyang hinubaran ng lalaki. Nanghihina na siya noon kaya wala na siyang ginawa kundi magpaubaya. Makaraan ang ilang sandali isang mainit na bagay ang dumampi sa kanyang buong katawan, isang basang bimpo. Doon na nga siya nakatulog. Ngayong nga pagkagising nya ay hubot hubad pa din siya katabi ang lalaki. Tiningnan niya ang kanilang sapin at laking gulat niya ng may mantsa ng dugo sa may pwetan niya. Doon niya nasigurado na may nangyari nga sa kanila. Pagsusuntikin na sana niya ang lalaki ng bigla itong tumihaya. Laking gulat niya ng makita niya ang mukha nito. Sa lahat ng tao ito ang hindi niya inaasahan makakagawa sa kanya ng kalapastangan, ang kanyang bestfriend.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Best
Casualeisang magandang nilalang na umibig sa hindi kagwapuhan. isang mayaman na umibig sa isang dukha. isang nilalang na umibig ng lihim sa kanyang kaibigan. dalawang pusong nahanap ang kaligayahan sa piling ng taong hindi nila inaasahan. Ang istoryang it...