Likas sa Pilipino ang mapagtiis. Likas sa mga Pilipino ang pagpapahalaga sa pag-aaral. Ano kayang mabibili ni Bebang sa sampung pisong baon niya? Alamin!
Aking baon, kahit munti,
Kasya pa rin ang sampung kendi.
Buhay nami'y sadyang simple.
Bahay nami'y nasa kalye.
Sampung piso'y pangkain ko.
Laway na lang ang panlunok ko.
Ang hirap naman ng ganito.
Ikaw ba, naranasan mo?
Kain ka diyan, kain dito
Pa'no na kaya ang katulad ko?
Nandun sa puno nagtatago
Kumakain ng kending nabili ko
Hinay-hinay para sapat
Magtira ka kahit apat.
Kailangan may panghapon ka
Baka ika'y gutumin pa.
Kung pagkain ang nasa libro,
Tiyak ako'y busog na po.
Ang kendi na lang ang pantawid ko
Ngunit ang dunong ang lakas ko.
Dibale na't sampung piso,
Basta't ako'y natututo!
Ang Sampung Piso
Bow!
------ Ganyan ang Pilipino e. Knowledge is Power!
Comment din kayo. Vote. O kahit ano. Salamat :)
BINABASA MO ANG
Sari-Saring Tula ni Bebang [Ismile ka naman dyan:)]
PoetryIto ay koleksyon ng mga tula ko. Mga tulang likha ng aking kaisipan. Ito'y pampangiti kung ang araw niyo'y sadyang nagmumuhi ngunit kung ang araw niyo'y masaya, mas maiging basahin niyo na. Hangad ko na sana'y inyong magustuhan ito. Bow. Ito ay pagm...