Walang Titulo

59 3 2
                                    

Ang buhay hindi lang puro kaligayahan, hindi lang puro kasiyahan sapagkat ang buhay ay punong-puno rin ng paghihirap. Tulad na lang ng paghihirap ni Bebang. Ano kaya ang paghihirap na 'yun? Alamin! :)

I.

Ang hirap naman ng ganito

Walang magawa sa buhay ko

Nakatingala, nakatunganga

Naghihintay ng biyaya

II.

Ang lakas ko'y ubos na ubos na

Ang isip ko'y gulong-gulo na

Babad na babad na ako sa araw

Para lang ika'y matanaw

III.

Pilit kang kinukuha 

Sana mapasakin ka

Akala ko ba masusungkit kita

Mahulog ka na lang kaya!

IV.

Inaasam-asam kita

Kahit ako'y nilalanggam na

Ang hirap pala talaga

Na sumungkit ng mangga.

------- Tama diba? Mahirap talaga.

Salamat. Sana napangiti ko kayo  :) Magkomento/ mag-vote (wow naman) / i-share ang tula ni Bebang, iyon ay kung gusto niyo lang naman :)). Salamat uli. God bless you.

Sari-Saring Tula ni Bebang [Ismile ka naman dyan:)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon