Eto na naman, wala na naman akong magawa dahil nga christmas break. Hmm. Pero gusto kong ishare kung gaano kita naiisip. Hi. Hello. Gusto ko yang sabihin sa iyo kaso nauuna ang hiya ko. Lagpas isang taon na kitang crush. Lagi ka lang nasa isip ko. Nakaka-frustrate kasi ang dami kong naiisip, mga posibilidad, mga paano kaya kung ganito ganyan. Sobrang curious na curious ako kung ano kayang feeling na kasama kita kahit isang araw lang. Ano kayang feeling na naryan ka sa harapan ko at kinakantahan mo? Haha. Pantasya!
Ang galing lang talaga ng mga imahinasyon ko kasi napapangiti nila ako. Napapagaan nila ang pakiramdam ko. Hooh. Eto ang ayaw ko kapag hindi na ako busy sa school kasi wala na akong ibang naiisip kundi ikaw. Ang corny. Ang corny talaga. Narereplay lang sa utak ko yung mga short seconds na tinawag mo ako at humiram ka ng ballpen, yung hinila nila ako palabas ng room para magpapicture sa'yo, yung christmas party kung saan nakahigh five kita at yung mga saglit na nakakasalubong kita at ako naman, hindi ko alam kung paano magreact kaya ayun, pretend you didn't see him.
STALKER. Oo, iniistalk kita sa fb. Feeling ko lang namimiss kita. HAHA. Minsan lang naman. Sana in the future, I'll be one step closer to you.
BINABASA MO ANG
Sari-Saring Tula ni Bebang [Ismile ka naman dyan:)]
PoetryIto ay koleksyon ng mga tula ko. Mga tulang likha ng aking kaisipan. Ito'y pampangiti kung ang araw niyo'y sadyang nagmumuhi ngunit kung ang araw niyo'y masaya, mas maiging basahin niyo na. Hangad ko na sana'y inyong magustuhan ito. Bow. Ito ay pagm...