Kinuha mo na ang lahat sa akin!

59 3 4
                                    

Si Bebang ay nasasaktan din. Si Bebang ay umiiyak din. Sa anong dahilan? Dali na't basahin! :) 

I.

Lahat ng oras ko'y nasa iyo

Lahat ng atensyon ko'y kinuha mo

Umaga't gabi, ikaw pa rin

Ang hirap mo kasing intindihin

II.

Minsan ayos, palaging hindi

Minsan tama, palaging mali

Bakit ba kailangan kitang mahalin

Kung hindi mo naman magawa sa'kin?

III.

Konting pagkakamali'y nagiging malaki

Pinaghihirapan kita pero walang nangyayari

Sakit ng ulo ang iyong bigay

Sana naman ngiti ang iyong ialay

IV.

Minsan mo na akong pinaluha

Nang mababa ang iskor kong nakuha

Hiling ko na sana'y maintindihan kita

O minamahal kong matematika!

 ----------------------------------------

Ang Pag-iibigan namin ng Math subject ko!

Bow.

-------- Ang math nga naman no? Hahaha. Comment naman diyan. Kung pwede, vote/ share na rin :)) Salamat. Antabayanan ang susunod na tula ni Bebang ;)

Sari-Saring Tula ni Bebang [Ismile ka naman dyan:)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon