Minsan, may mga bagay na hindi mo kayang pagkatiwalaan ng buo at dahil sa hindi mo magawa ito, nagiging estatwa ka na lang sa kinatatayuan mo. Hindi mo magawang umangat at hindi mo magawang matututo.
I.
'Di mo na naman nagawa!
Hindi ka ba nagsasawa?
'Di mo na naman naipakita.
Ang duwag-duwag mo talaga.
II.
Nar'yan ka lang nakatago.
Kinakain ka na ng takot mo!
Nakatayo, nakayuko
Kinakagat ang 'yong mga kuko
III.
Gusto mong maging dakila
Pero ika'y nagpapa-alila.
Alila ka ng iyong sarili
Dahil takot ang 'yong pinipili.
IV.
Ikaw nga'y may hawak na ginto
Ngunit nag-aalangan ka kung ito'y totoo.
"Baka nga ito'y tanso
At baka mapahiya pa ako."
V.
Puro ka "baka"
Sinubukan mo nga ba?
Ito palang ay isang simula
Ngunit umaayaw ka na.
VI.
Magpamali ka man o mapahiya
Ngunit matututo ka dahil sa kanila.
Kailan mo pa malalaman?
E 'di mo magawa na ito'y subukan.
VII.
Makinig ka naman kaibigan.
Puso mo'y iyong pakinggan.
'Wag mag-alala at magtiwala sa Kanya.
Ika'y espesyal at tunay ngang dakila.
-------------------------------------------------------------------------------
Ito ang payo ni Bebang sa mga taong natatakot ipakita ang kanilang angking galing dahil iniisip nila na baka sila'y hindi magtagumpay o mapahiya sila o kung anu-ano pa. Tiwala at puso ang kailangan :)
POST SCRIPT: Dedicated ito kay @girladventures. Salamat sa patuloy na pag-aantabay sa mga tula ni Bebang ^^ God bless you:)
BINABASA MO ANG
Sari-Saring Tula ni Bebang [Ismile ka naman dyan:)]
PoetryIto ay koleksyon ng mga tula ko. Mga tulang likha ng aking kaisipan. Ito'y pampangiti kung ang araw niyo'y sadyang nagmumuhi ngunit kung ang araw niyo'y masaya, mas maiging basahin niyo na. Hangad ko na sana'y inyong magustuhan ito. Bow. Ito ay pagm...