- 10 -

211 6 2
                                    

Day 7 of 7 continuation

Hala asan na kami? kanina naman di pa ganito ah? Ano to? Prank?

Kinuha ko phone ko para icall si babes, kaso walang signal!

Kinuha ko naman school mobile ko, pero naiwan ko nga pala sa SC room. May mas ilalala pa ba katangahan ko?

Wait, wala nga palang kwenta yun kahit pa dala ko yun ngayon


"Gab... Pano na?" tanong ko sa kanya

"Alam ko to, tama yung dinaanan natin kaso may nagset nung secret room" sagot nya habang nauupo sa isang side kaya sumunod ako sa kanya

"And?" tanong ko

"And nung na activate yun, tumaas yung walls kaya tayo nakulong dito... Wala na tayong magagawa kundi maghintay ng pipindot ng button na pang deactivate" explain nya


Okay, nagets ko na. So dito lang kami hanggang sa may mag aalis nito


"So, what will we do now, Mr. President's girlfriend?" tanong nya

"Makasabi naman to ng girlfriend..." sagot ko na lang

"May problema ba?" tanong nya

"Fake lang naman ako diba? Nothing more, nothing less. At last day na ngayon" sagot ko

"I hate him for making you feel like that... You deserve all the best, Mimi" sabi nya habang nakatitig lang sa kin


Matutunaw pa ata ako ng wala sa oras dito


"Ang dami mong alam Gab haha" sabi ko na lang sa kanya

Ano ba isasagot ko dun? Take me awaaaay~ Ganun? Hay mababaliw na ako sa mga tao dito

"Gab... kelan birthday mo?" tanong ko sa kanya. Weirdo eh

"Ha?"

"Birthday mo, sabi ko kelan?" tanong ko ulit

"ngayon..." sagot nya

"weh? happy birthday! blowout naman dyan" sabi ko sa kanya habang yinuyugyog ko sya

"Oo na sige na, basta may wish ako" sabi nya

"Ano yun?" tanong ko

"Pwede ba na sakin ka for one day?" tanong nya tapos nag smile sya


Uhhh...


"Yun lang ba? Sure!" sagot ko


Did I just said yes to him?

kung ganito lang boyfriend ko, ang saya ko na. Kahit everyday pa, okay lang!


"san tayo?" tanong ko sa kanya

"Bago mo isipin yan, isipin mo muna kung pano tayo makakaalis dito" sagot nya sakin

"bakit di mo contact-in yung operators gamit school mobile mo? Di naman nun kailangan ng signal diba?" sagot ko

"Di ko alam, di ko naman ginagamit to eh, pero try ko" sagot nya tapos kinuha na nya school mobile nya


Grabe talaga x__x


"Oo nga pala--"

My Childish Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon