- 27 -

144 3 0
                                    

Xander at the multimedia part ♥

"Oh, dahil nakaayos ka na at parang gusto mo naman yung room na to, aalis muna ako ha? hihihi"

"Uy! Wait la--" bago ko pa matapos sasabihin ko, sinarhan na nya ako ng pinto


May na feefeel nanaman akong may ka adikan baliwan na gagawin nito

Linock ko yung pinto kasi wala lang. Bahala yung baboy na yun mahirapan kumatok ng pinto mamaya kung sakaling babalik sya, kasalanan nya, iniwan nya sakin susi eh. Nahiga na lang muna ako dun sa kama kasi nakakapagod pa din yung byahe kahit tulog ako buong oras. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Ang dilim na din pala? Binuksan ko yung ilaw tapos inayos ko itsura ko kasi nakita ko text ni Henry na hinihintay daw nila ako sa entrance kasi kakain na


"beb?!" nagulat ako kasi nakita ko na nakaupo sa tabi ng pinto si Gab


Bakit nandito to?


"Dyan ka? Sabi nila lipat daw kami dito ni Henry eh?" sagot nya habang nag s-stretching. bilis naman ito makapunta ng room at deretso tulog agad? nauna pa sa first

"yang Patricia Gutierez na yan talaga" mahina kong sinabi

"Ha?"

"Ah wala wala. Sige ipasok mo na yung mga gamit tapos baba na tayo" sabi ko tapos sinamahan ko sya sa loob


Nang mailagay na nya yung mga gamit, bumaba na kami. Iniwan na lang din pala dun ng bell boy mga gamit ko kasi daw ang hirap ko gisingin -_-

Pagdating namin sa lobby, nandun na silang lahat. Kung makangiti naman tong baboy na to, akala mo sya yung mabait na bestfriend na tinutulungan akong mapansin ng crush ko. Hay nako


"Gutom na ako tara na" sabi ko nalang tapos tuloy tuloy palabas. Mamaya may sabihin pa yung mga mokong na yun eh

"Init nanaman ng ulo mo, ayaw mo ba ako kasama?" inakbayan ako ni Gab tapos nagpout

"E sa inaraw araw kitang kasama, di ka ba nagsasawa?" sagot ko sa kanya

"Eh dun mo naman ako pinapatulog sa kwarto ng kakambal mo eh"

"Malamang. Sikip sikip ng kwarto ko sisiksik ka pa?"

"Wow ha, kung masikip yun ano tawag mo sa kwarto ko? eskinita?"

Tumawa lang ako sa kanya tapos tumuloy na kami sa paglalakad. Sabi nila deretso lang eh



Ricia P.O.V.

Alam ko namang wala nang sense mga pinag gagagawa namin pero gusto ko naman ma enjoy nung bestfriend kong siopao yung 7 months nya dito sa Pinas bago sya lumipad papunta sa cute na cute nyang twin brother

Mamimiss ko yung babaeng yun, yung mga panlalait nya, mga panghahampas nya, lahat lahat. Kung pwede lang sumama sa Japan, ginawa ko na eh!


"Loves, puro si Eclair iniintindi mo. Ako naman. nagseselos na ako" sabi ni Yan

"Huh? utut mo" sagot ko

My Childish Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon