- 22 -

157 5 2
                                    

So ngayon sinisimulan ko nang tahiin gown ko. Di ako nagtitipid. Gusto ko self made eh! Bakit ba?

Naaasar ako pag binibili yung gown eh. Unless na lang maganda talaga yung design

1 week na din ang nakalipas mula nung dumating ang Sweetest Downfall sa school namin. Exchange students lang pala sila for one month


------------------

from: Poging Boyfriend

punta ka dito sa bahay mamayang 4. Family gathering. wear something blue

------------------


Naku po. Yan na po.

Maipakilala lang naman sa parents ang hangarin ko, hindi buong angkan

Naghanap na ako sa wardrobe ko ng mga something blue tapos linagay ko sa ibabaw ng bed ko.

Mamaya na ako mamimili, tapusin ko muna yung isang part ng gown ko



Gab P.O.V.

Makikilala na ng mga relatives ko mamaya si Mimi. Kakabahan ba ako o hindi?

Kakabahan kasi mga chickboy pinsan ko, hindi kasi mahihirapan syang makipag break sakin kasi legal na kami


Oo, possesive ako. Mahal ko eh

Pero pinakilala din naman sya ni Xander dati...


Aish wala akong pakialam! ako na boyfriend nya ngayon, bahala na yung Xander na yun sa buhay nya. Akala ko pa naman tunay syang kaibigan


"Gabriel! Bumaba ka dyang bata ka!" sigaw ni ma


Manang mana talaga dito si ate eh no? Ingay ingay masyado! Dami pang sinasabi tss

Bumaba na ako sa tapos nakita ko si ma at ate Queenie sa kusina


"Dalhin mo to kay Eclair. Baka kasi wala syang pagkain eh" sabi nya tapos inabot nya sakin yung lock&lock na container


Oo nga pala no? Mag isa lang sya lagi. Dun na lang kaya ako tumira para may mag aalaga sa kanya?

Kinuha ko na yung pinapabigay nya tapos pumunta na ako sa bahay nila kahit magkatapat lang naman kami. Pwede ko nga to ibato sa bintana eh

Hayy mas concerned pa si ma kay Misty kesa sakin. Okay lang. Basta concerned sakin si babe masaya na ako


Nag doorbell na ako kasi alam ko naman bingi to at di nya maririnig pag sumigaw ako

Kahit kailan talaga ang bagal nito magbukas ng gate. Bagal bagal kumilos! Pero di naman sya si Misty Claire Torres pag di sya mabagal kumilos


"bie? o maaga pa ah?" sabi nya tapos pinapasok nya ako sa loob

"gusto lang kita makita. tska pinapabigay ni ma" sabi ko tapos inabot ko sa kanya yung pagkain

My Childish Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon