- 25 -

136 4 0
                                    

VP at the multimedia part ♥



"hey miss Eclair" sabi ni Ivan habang pinopoke poke ako


Tulala nanaman ako -___________-

Di pa din ako maka get over dun sa nalaman ko! Si KM at si Kyle pala ay iisa? Alam ko naman na Kyle Martin ang pangalan nya at KM ang initials pero ang dami naman kasing ganun kaya di ko naisip na possible! And never ko din naman naimagine na ganun yung itsura na nakatago sa hoodie at face mask dati


Dati gustong gusto kong malaman kung sino sya, tapos ngayon sising sisi ako na sinundan ko pa sya.

BAKIT BA KASI BAWAL SABIHIN NA SYA SI KM?! Bakit kelangan pa secret?


Ganun ba talaga ako di mapagkatiwalaan? :<< Kati kati pa naman ng dila ko lagi lalo na pag ganito

Sabi nya balang araw daw malalaman ko din kung bakit nya ginagawa tong mga to. WALA AKONG PAKIALAM SA BALANG ARAW NA YON! Ngayon ko gusto malaman eh! And bakit natitirang oras?


"what" sagot ko kay Ivan


ughhh irritating mushroom


"oh bakit ka ba badtrip sa akin lagi? bitter much?" asar nya sa akin

"ABNORMAL KA! Mabibitter na lang ako, sayo pa?! Dun ka na nga kay Quinn! May bago ka nang girlfriend landi landi mo pa din! Pwe!" sigaw ko sa kanya


Nalaman ko kasi na mula nung lumayo ako sa kanila, nagconfess na daw si Quinn sa kanya tapos 'pinatulan' daw sya ni Ivan. Matagal na palang may gusto si Quinn sa kanya. Edi sana matagal na nya kinuha para di na leche buhay ko nun! Eh di sana wala akong ex na peste!

Bakit ba kasi sunod pa to ng sunod sa akin!


"Selos ka ba, bunbun?" sabi nya tapos tinitiagan ako


BUNBUN?!

GUSTO MO MAMATAY?!


"Wag mo nga ako tawagin nyan! Kadiri ka!" sigaw ko sa kanya

"Oh , wag ka highblood sakin bunbun" sagot nya tapos pinat nya ulo ko


Bunbun kasi tawag nya sakin dati nung kami pa, mukha daw kasi akong rabbit -_-

Dati nakakatuwa pa eh, ngayon nakakapikon na eh!


"Pwede ba? Wag mo sya asarin. Napipikon na yung tao oh" singit ni Kyle na nasa tabi ko na pala

"eh ano ba ang pakialam mo?" maangas na sagot ni Ivan. warfreak alert

"papansin ka kasi" sagot ni Kyle tapos hinila na nya ako palabas ng room


BUUUUUUURN!


"thanks for saving me from him all the time" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami

"it was originally my job" sagot nya


Yes, he was our mediator back in our old days. Kaso puro harang harang lang kasi nga di sya nagsasalita. Well, nagsasalita sya pero ewan. Pero pag alam nya na di na dapat pag usapan, hihilahin na lang nya ako bigla tapos ilalayo. And yun, dun nagsisimula drama sessions ko sa kanya

My Childish Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon