- 18 -

168 5 4
                                    

"beb?" bulong nya habang pinaglalaruan buhok ko


Nakatulog na pala ako dito sa tabi ng kama nya.

Rinub ko mata ko tapos tiningnan ko sya

Nakasmile lang sya sakin tapos bigla akong hinug


"Oh okay ka lang ba? Pahinga ka lang" sabi ko

"Bakit di ka pumasok? Ay! nandyan pala si Mio, ilapit mo sya sakin" tanong nya habang nakayakap pa din sakin

"Ang hirap naman kasi pumasok na alam ko na mag isa ka dito noh, mamaya rape-in ka pa nung fangirls mo dito. Kawawang nilalang ka naman. Mio?" sabi ko


Tinawanan nya lang ako at tinuro nya yung pusa

Buti naman nakakatawa pa tong lalaki na to?


Oooooooh so yun pala si Mio! Persian cat pala si Mio! Akala ko naman kung sino na

Tumayo na ako para iabot sa kanya si Mio


"sige Eclair, uwi ka muna. ako muna bahala dito" sabi ni kuya Alexis na kakadating lang

"Alis na ako Gab ha? Wag masyado malikot" sabi ko tapos tumango lang sya sakin


Di ko sya pwede ikiss kasi may mga bandage pa sya huhu. Pag galing nya, tatadtadin ko to ng madaming kiss!

Kinuha ko na yung bag ko tapos umalis na


Buti na lang Saturday bukas, pwedeng hindi pumasok. Bakit ba kasi laging may extra classes eh?

Pagdating ko sa bahay nagpahinga lang ako ng konti tapos naligo na. Dahil walang pagkain, kumain na lang ako sa Jollibee because I love Chickenjoy

Wala kayong pakialam kung yun ang gusto ko at yun lagi kinakain ko. Wala akong pakialam kung breakfast, lunch, o dinner ba. Basta nakakain pwede na sa tatlong yun

Maya maya may umupo sa harap ko


"hey Ms. Partner"


tiningnan ko kung sino, si Kyle pala

teka, bakit nandito to?


"hey? and bakit wala ka sa school?" tanong ko sa kanya habang kinakain ko chicken at pasta ko

"I think I should ask you the same?" sabi nya tapos kinain na din nya order nya

"Naaksidente kasi boyfriend ko kahapon eh. ikaw?" sabi ko sa kanya

"ohh. condolence. Wala lang, tinamad lang talaga ako pumasok" sagot nya

"bastos to! di pa patay! maka condolence naman to! kung ganun lang kadali umabsent pag tinatamad eh!" sagot ko. Bastos na bata!


Tumawa lang sya tapos tinuloy yung pag kain nya

Sige, pagtyatyagaan ko nang kausap to -_-

Kumain lang kami ng tahimik kasi baka maitapon ko pa sa mukha nya yung kinakain ko. Sayang pagkain noh!


"So, may gagawin ka ba?" tanong nya sakin nung matapos namin kumain

"Wala naman. Mamaya pa naman ako pupunta sa hospital eh" sagot ko

My Childish Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon