- 13 -

164 2 0
                                    


"Misty my loooooves!"

Ano nanaman ba trip nito? umagang umaga nagsisisigaw sa labas? Parang ilang oras pa lang kami di nagkikita nito, namiss agad ako?

Dahil tapos na din naman ako, bumaba na ako kasi mahirap maghanap ng masasakyan mamaya. Makasabay na dito sa poging to

"Good morning sunshine!" salubong nya sa akin pagbukas ko ng gate

"Bakit di ka pa pumapasok?" tanong ko sa kanya

Eh kasi naman 4 talaga yan pumapasok para daw matapos na nya lahat ng gagawin. Sipag ng boyfriend ko no?

"Wala, gusto ko kasi sabay na tayo lagi pumasok eh" sagot nya

"Pano yun? eh di lagi ka nang late?" sagot ko

Di naman sa lagi akong late, kaso late na sa kanya yung 6 30 eh -_-

"Okay lang yun! sakay na" sabi nya tapos inabot nya sakin yung helmet tapos sumakay na ako

Ineexpect ko pa naman na sagot nya 'di ka naman late eh?' huhu so late na nga talaga yung 6 30?

Pumasok na kami sa school tapos hinatid nya ako sa room ko. Di na naman kasi ako naliligaw eh!

Bakit ba lagi nalang sila takot na mag isa ako?

Pero ano ba talaga ginagawa ng section nila? Bakit sa Diamond class, SC lagi? Bakit parang petiks lang sila? Ay ewan!

"Babes?" sabi ko tapos pinoke ko sya

Tumingin lang sya sakin.

Omg, ayan nanaman yung bulldog face nya!

"Bakit ka galit?" tanong ko sa kanya

"Buti pumasok ka na, na s-stress ako sa Jane na yan eh! kala ko ba okay na pag dumating si Janine? may tama ata sa ulo yan eh!" tuloy tuloy nyang sinabi

Grabe? Isang araw lang ako di puamsok, ang dami na agad nangyari?

"Bayaan mo na yun, kaya walang friends yun e" singit ni Summer

Medyo okay na kami na halos parang walang nagyari samin nung mga nakaraang araw. Well, that's better

Boring ng araw ngayon! Bakit ba kasi pumasok pa ako, kaasar. Puro papansin at pahirap lang ginagawa ni Jane sakin ngayon eh. Problema ba nito?

"Okay class, next month na ang foundation day nyo, and ano ang meron pag may foundation day?" sabi ni Ms. Fontillas

"booths!" sagot ng isang student

"and?" tanong ni Ms. Fontillas

"Mr. and Ms. Lily!" sagot nung isa pang student

"Okay, mamaya na natin pag uusapan yung sa Mr. and Ms. Lily. sa booth na muna. Any suggestions?" tanong nya

"Ms. Torres?" ay shit bakit ako pa yung tinawag

Tumingin ako sa paligid tapos tahimik lang sila. well, siguro okay lang kahit ano?

"a themed cafe?" suggestion ko

"then themed cafe it is, so proceed tayo sa candidate natin" sabi nya

Hala? Ganun lang kabilis yun? Basta may mag suggest, gora na? Di uso hanap ibang ideas?

"I nominate Jane Salvador" sabi ni Lizzy

Tapos tumingin sa akin si Jane at nag smirk. Ano gusto mo palabasin? Hubaran pa kita sa stage eh!

"I nominate Eclair" sabi nung isa kong classmate

My Childish Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon