LEXIE'S POV
Andito na kami ngayon sa bahay nila Keith. After ng dinner namin kanina sa Coffee House with Jen, dito na kami pinadiretso ni Keith. Buti na lang always on the go kami ni Trix na may baong mga damit.
Ito naman kasing si Keith pabigla bigla sa lahat ng decision pag dating samin e. Hays.
Anw, sa kwarto ni K8 ako matutulog ngayon. Hihihi Pupuntahan ko na siya.
Keith: Saan ka pupunta Lex?
Me: Uhm. Sa kwarto ni K8?
Keith: Dun tayo ni Trix matutulog sa room ko at mag-uusap usap pa tayo.
At dahil ayoko naman na isipin ni Keith na nagtatake advantage ako sa kapatid niya, tumango na lang ako at naupo na lang muna sa sofa habang nagpapahangin sa labas si Trix.
Keith: Lex, alam kong crush mo ang kapatid ko. Wala namang kaso sakin yun. Pero sana pag andito ka sa bahay wag kang punta ng punta sa kwarto ni Kate. Baka kung ano pang isipin ko.
Me: Alam mo naman na malinis ang intensyon ko sa kapatid mo diba? Tiyaka crush ko lang naman siya. Iba yun sa love na.
Keith: Sinisigurado ko lang naman. Mahal ko kayo ni Trix. At malamang sa malamang mas mahal ko yung kapatid ko. Ayoko lang nang may masasaktan pag dating ng dulo.
Me: Grabe ka naman Keith! Masyado mong binabati! Wala pa nga e!
Maktol ko kay Keith na mejj ikinatawa niya. Opo mga mumsh, aware naman siya na crush ko ang baby sister niya. Kahit binakuran na niya ito, wala pa din siyang nagawa nang sabihin kong crush ko si K8. Crush lang naman e. Hihi
Habang naiwan ako dito sa sala, dahil na sa labas pa din si Trix at nauna na sa room niya si Keith, hindi ko namalayan na papunta sa direction ko si K8.
Oh my. Nawawala talaga pagod ko kapag anjan siya. Bigla na lang akong napapangiti na parang baliw. Anong magagawa ko? Ngiti pa lang niya, para na akong na sa Cloud 9. Hays, K8 ko.
Me: Hi Cutie K8. :) Bakit gising ka pa?
K8: Sabi kasi ni ate dito daw kayo matutulog ni Trix sa bahay. Kaya pinuntahan kita.
Shet. Kinikilig ako. Iba na naman tibok ng puso ko. Kahit sobrang pagod ako sa training, mukhang bumabalik lahat ng energy ko. Sorry. Ang landi ko! Hahahaha
Me: At bakit mo naman ako pinuntahan?
K8: Wala lang. Kamusta training niyo? Bakit mukhang di ka naman napagod? Nakitraining ka bang tamad ka?
Me: hahahaha Ang hard mo talaga sakin. Naki training po ako. Tapos nagdinner kami nila ate mo. Syempre nakapag pahinga na ako. Plus, nakita kita. Ayun, bumalik lahat ng energy ko. :)
K8: Baliw ka talaga!
Sabay hampas niya sa braso ko. Ok guys. Hindi ako kinikilig. Hindi talaga.
Ewan ko at gumana na naman kalandian ko, dumikit ako sa kanya sa may couch sabay kuha ng kamay niya.
Sa totoo lang, narerelax ako sa presence niya.
Hindi naman niya kinuha yung kamay niya sakin. Alam kasi niyang pinaglalaruan ko lang yung kamay niya sa tuwing sobrang pagod ako. Kumbaga, ginagawa ko itong stressball. Hahahaha
Kung tatanungin niyo ako kung may gusto din sakin si K8, hindi ko alam ang sagot. Sadyang close lang talaga kami kasi since 1st yr college tambay na ako dito sakanila kasi dun kami naging close ng ate niya.
Wala pa naman akong balak makipag relasyon. Ok na ako sa ganito lang kami ni K8. Same as with my crushes. Hahahaha Yung pakilig kilig na lang, ganern.
BINABASA MO ANG
Miss Congeniality
HumorIS BEING FRIENDLY BEING FLIRTY? .......... Sa isang clichè na love story, ieexpect na ng lahat na magkakatuluyan ang dapat magkatuluyan, magiging matino yung mga manloloko, maghihiganti yung mga nasaktan, at kung ano ano pa. Tapos laging happy endin...