🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧
PART 2
🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧LEXIE'S POV
Tinapunan ko lang ng tingin si Xy at sinara na ang gate namin. Ayoko muna siyang makita at makausap. Nasasaktan ako. Kaya dumeretso na ako sa room ko. Hindi ko na nagawang hanapin si mama at papa para sabihing nakauwi na ako.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Tinanong ko si mama kung normal lang ba magka girl crush. Sinabi naman niyang normal lang daw yun. Basta kapag love na daw, ibang usapan na yun. Crush ko lang naman si Xy. Pero bakit nasaktan ako sa nakita ko?
Nakita kong magkayakap si Xy at si Christopher. Yung lalaking manliligaw niya. Opo, kwinento sakin ni Xy na manliligaw niya si Christopher. Ang sabi pa niya sakin wala pa daw siyang balak magkabf. Kaya pinanghawakan ko yun. Pero bakit sila magkayakap? :(
(Paano mo malalaman kung hindi mo kakausapin si Xy? Tinawag ka pero di mo naman siya kinausap.) -_-
Sa dami ng tanong ko sa utak ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang hindi man lang nakapagpalit ng pambahay.
Nagising ako sa boses ni mama.
Ma: Baby. Gising na. Magdidinner na tayo. Mukhang napagod ka sa school ngayon kaya di mo na naisipan pang magpalit. Naka uniform ka pa oh.
Oo nga ano. Nawala na sa isip ko kanina. Bigla ko na naman naalala yung yakapan segment kanina. Naramdaman ko tuloy na sumikip ang dibdib ko. Hangga't maaari ayoko munang makita si Xy.
Pero palabiro talaga ang tadhana. Bago bumaba si mama may sinabi siya.
Ma: Magbihis ka na muna baby at bumaba ka na jan agad. Anjan si Jacob, Renz, Nick at Xylene. Makikidinner sila satin ngayong gabi.
Para akong batong naestatwa sa sinabi ni mama. Pero wala akong magagawa. Anjan na sila e.
Pagkatapos kong makapagbihis ng pambahay. Bumaba na ako. Na sa dining table na sila lahat at mukhang ako na lang talaga hinihintay.
Pa: Baby halika na dito. Kakain na tayo. Ikaw na lang hinihintay oh. Di ka ba nahihiya sa mga bisita mo? Hahahaha
Kahit kailan talaga si papa. Hays. Nagtawanan tuloy lahat ng na sa lamesa.
Renz: Lex. Ok ka lang ba? Nag-alala kami sayo ni Jacob kanina.
Nagulat naman ako sa panimula ni Renz sakin. Shet. Sa harap pa mismo nila mama at papa niya sinabi to.
Jacob: Kaya nga Lexie. Ano bang nangyari kanina? Pati si Xylene na sinundan ka, sinarahan mo lang ng gate niyo.
Tumingin ako sa gawi ni Xy at bigla siyang napayuko.
Ma: Baby masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba? Bakit hindi ka nagsasabi samin?
Pag-aalala ni mama at chineck kung nilalagnat ba ako.
Me: Guys kalma. Ok na ako. Sumakit lang ulo ko kanina. Dahil na din siguro sa init ng panahon. All goods na ako. :)
Pagsisinungaling ko.
Pa: Oh sige baby girl. Basta pag may masakit sayo. Sabihin mo lang kay papa. Ok?
Tumango naman ako at nagsimula na kaming kumain. Busy ang lahat sa pakikipag kwentuhan sa parents ko except samin ni Xy. Tahimik lang kaming kumakain na dalawa.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na silang lahat na uuwi na. Kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Wala talaga ako sa mood makipag usap sa kanila ngayon. Hays.
BINABASA MO ANG
Miss Congeniality
HumorIS BEING FRIENDLY BEING FLIRTY? .......... Sa isang clichè na love story, ieexpect na ng lahat na magkakatuluyan ang dapat magkatuluyan, magiging matino yung mga manloloko, maghihiganti yung mga nasaktan, at kung ano ano pa. Tapos laging happy endin...