Chapter 5

1 0 0
                                    

LEXIE'S POV

Andito na ako sa bahay nila Keith. Kanina pa ako doorbell ng doorbell ayaw naman nila ako pagbuksan.

Nakailang tawag na din ako sa tatlong taong andito, hindi man lang ako sinasagot.

Aalis na sana ako at nakatalikod na ng biglang may nagsalita sa may likuran ko.

Trix: So alam mo na ngayon ang pakiramdam ng hindi sinasagot ang tawag?

Sa pagharap ko sa nagsalita, nakita kong na sa harap ko na yung tatlong kanina ko pa tinatawagan.

Napayuko ako sa sinabi ni Trix.

Me: I'm sorry guys. Hindi ko napansin yung phone ko kasi na sa may lamesa nila Jaime at na sa sahig kami. Nasilent ko kasi phone ko, kaya di ko napansin mga tawag at text niyo. Hayaan niyong bumawi ako sa inyo. I'm really sorry.

Naiiyak na ako, dahil ngayon lang ako hindi nakatupad sa oras. Sa aming tatlo kasi, napaka halaga ng oras. Kaya di niyo kami masisisi kung ang o-oa namin. Hays. Masyado ko kasing inuna ang landi ko. Aminado naman ako.

Keith: Halika na nga ditong babae ka. Sabihan mo kasi kami kung lalandi ka muna, para nakapag adjust kami.

Trix: Kung iiscore ka kasi, dapat yung mabilisan lang kung may lakad ka. Matuto kang mag-alarm.

Napaangat ang ulo ko sa kanila, at nakita kong nakangiti ng nakakaloko yung dalawa kong kaibigan.

Except for K8.

Ano kayang iniisip niya ngayon?

Me: I'm really sorry guys. Hindi naman ako nakipag landian kay Jaime. Tinapos lang talaga namin yung prototype namin.

Hindi naman kasi kami naglandian. Slight lang. Hays.

Keith: Ok. Sabi mo eh. Hahahaha

Biglang nagsalita si K8.

K8: Halina nga kayong tatlo sa loob. Kumain na muna tayo ng hapunan bago kayo mag-asaran jan.

Nauna nang pumasok si K8 sa loob kasunod ni Keith na tatawa tawa pa din.

Nahuli naman kami ni Trix na nangingiti ng nakakaloko.

Me: Alam ko galit kayo sakin. Pero pwede bang ipaintindi niyo sakin kung anong pinagsasasabi niyo kanina?

Inis na sabi ko kay Trix.

Trix: Calm down woman! Hahaha Ano bang mali sa sinabi namin? Napaka imposible kasing ilang oras niyo ginawa yung prototype. We all know that kaya ng isang oras gawin yun, lalo na at magaling yung partner mo.

Nakangising salaysay neto.

Me: So what are you implying?

Trix: Umamin ka na na naglandian kayo ni Jaime kanina kaya natagalan kang puntahan kami. Hahahahaha

Me: Hindi ko alam yang sinasabi mo about sa landian thing na yan Trix. Hindi lang namin isang oras nagawa yung proto kasi kinulang kami ng materials kaya bumyahe pa kami para bumili ng nga gagamitin. So basically, 5:30 na kami natapos. Then, dun ko namalayan tawag ni K8.

Seryosong paliwanang ko.

Trix: Why is someone so defensive huh? Hahahahaha

At iniwan na ako nung bwisit!!! Argh!!!!!!! Ang landi ko kasi. Huhuhu

Kailangan kong makausap si K8 mamaya.

Patapos na kaming kumain pero hindi pa din umiimik si K8. Ayoko ng ganito. Hays.

Miss Congeniality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon