Chapter 7.5

1 0 0
                                    

🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧
PART 1
🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧

LEXIE'S POV

WTF?! SI XY NA BA TO?! YUNG DATING NAGRERENT SA APARTMENT NI ALING SONIA SA TABI NG BAHAY NAMIN? NA FIRST GIRL CRUSH KO?!

12 years old pa lang ako nun nang mabalitaan kong may magrerent sa bagong patayong apartment nila Aling Sonia sa tabi ng bahay namin.

*8 years ago*

Naglalaro kami sa tapat ng bahay namin. Kasama ko si Jacob at Renz, ang lagi kong mga kalaro. Si Jacob ay ang anak ng kumare nila mama at papa na si Tita Jacky at si Renz naman ang apo ni Aling Sonia.

Bata pa lang ako puro lalaki na ang kalaro ko. Anong magagawa ko kung puro lalaki ang mga anak ng kapit bahay namin? May mga babae man pero puro bata naman. Ang lalayo nang agwat namin. Kaya halos lahat ng kalaro ko na kaedad ko at malapit sa edad ko, puro lalaki.

Ayoko din kasi makipaglaro sa mga babae. Paano ba naman ang boring ng laro nila. Barbie barbie. Di kagaya kapag mga lalaki kalaro mo holens, text, pogs, at marami pang iba.

Habang naglalaro kami ng pogs ni Jacob at Renz, tinawag ni Aling Sonia si Renz.

Aling Sonia: Apo, halika nga muna dito. Tulungan mo akong ayusin itong loob ng apartment at maya maya darating na ang bagong mangungupahan.

Renz: Sige La. Wait lang po.

Narinig namin ni Jacob yung usapan nila Aling Sonia at Renz. Malamang isinigaw kaya nila. Hahahaha

Jacob: Bro, tulungan na namin kayo mag-ayos ng apartment. Para hindi na masyadong magtrabaho si Aling Sonia.

Jan ako bilib sa dalawa kong kalaro, bata pa lang alam mong responsable na.

Me: Tara na. Tulungan na natin si Aling Sonia.

At tumakbo na kami papunta sa apartment ni Aling Sonia. Naglagay kami ng mga kobre kama at nagpunas ng mga pasamano. Nagwalis din kami at nagmop.

Sabado ngayon, kaya mga wala kaming pasok.

Sa iisang school lang kami nag-aaral nila Jacob at Renz. Ang masaya pa dun, magkakaklase kaming tatlo. :)

10am nang may tumigil na taxi sa harap ng apartment. Bumaba ang isang babae na kaedaran ni mama. Siguro na sa late 30s lang ang babaeng ito. Kasunod niya ay ang dalawang batang babae at lalaki. Joke lang. Hindi na sipa bata. Hahahaha Yung lalaki parang kaedaran ni Kuya Michael, yung pinsan ko. Siguro na sa 18 years old na to. At yung babae naman, parang mas matanda lang samin ng isa o dalawang taon.

Nagulat ako na pare pareho kaming nakatingning tatlo dun sa babaeng maganda.

Bihira ako pumuri ng babae kasi hindi naman ako tomboy. Pero iba ngayon. Parang ang cute cute kasi nung babae. Ang cute ng dimples niya.

Pwede bang magkacrush ang babae sa kapwa babae niya?

Kasi madalas kong purihin e lalaki. At kapag nagwagwapuhan ako sa lalaki, crush ko na siya.

Jacob: Ang ganda naman nung babaeng boarders niyo Renz. Tanungin mo mamaya si Aling Sonia, kung anong name nung mga boarders niyo. :)

Renz: Hindi naman masyadong maganda. Mas maganda pa din tong tropa natin!

Sabay akbay sakin ni Renz. Napangiti naman ako. :)

Jacob: Si Lex? Maganda? Eh para ngang lalaki yan e. Tomboy nga ata. Kaya hindi yan maganda. Pogi yan! Hahahahaha

Miss Congeniality Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon