LEXIE'S POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha sabay nang aking pagdilat nasilayan ng aking mga mata ang isang napakagandang dilag sa aking harapan na nakangiti.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapangiti ng sobrang lapad dahil kahit kailan, hindi ako nagsawang titigan siya at ang kanyang mga nakabibighaning mga ngiti.
Haaaaaayyyy Katieee. Kung ganyang mukha lang lagi kong masisilayan sa tuwing ako ay gigising sa umaga, hindi na lang ako matutulog para buong magdamag ka na lang titigan. :)
Syempre joke lang yung hindi na ako matutulog. Heler? Tulog is life kaya mga mumsh! Hahahaha
Pero ito, walang halong biro. Sobrang saya ng puso ko sa tuwing si K8 una kong makikita pag gising ko. Ewan ko ba. Iba talaga ang dating niya sakin. Siguro dahil crush ko siya. Hindi pa naman ito love kasi wala pa akong urge para ligawan siya or seryosohin itong nararamdaman ko sa kanya.
Masaya na ako kung anong meron samin ngayon. Bilang close friends. Hahaha
Habang iniimagine ko yung mga ngiti ni K8. Unti-unting naglaho ang mga ngiti ko sa aking mga labi.
Itatanong niyo kung bakit?
Itong bwisit na K8 na to, bigla ba naman akong binato ng unan sabay tawa niya!
K8: Huy! Para kang tangang nakangiti jan! Hahahahaha Ang epic! Sapul ka sa mukha! Hahahahaha
Kahit naman po crush ko tong babaeng to, marunong din ako mainis sa kanya. Lalo na sa tuwing nasasapul niya ako sa mukha.
At dahil sinira niya mismo yung pagdaday dream ko sa kanya, hindi ko na lang siya papansinin.
(Para kang baliw! Hindi pala parang, baliw ka talaga! Iisang babae lang yang iniisip mo e. Hahahaha) CHE! IKAW KAYA BATUHIN KO SA MUKHA?!
K8: Lem! Hahaha Pansinin mo ako uy. Hahahaha Sorry na. Hahaha Para ka kasing sira na nakangiti jan e. Hahahaha Di mo ako pinapansin. Hahaha Kanina pa kita tinatawag. Hahaha Kaya binato na lang kita. Hahaha Sorry na Lem. Hahaha
Tawa siya ng tawa! Hays. Kahit naman natutuwa ako sa tawa niya. Naiinis pa din ako. Ang hilig niya akong batuhin ng unan sa mukha! Hays!
Di ko pa din siya pinapansin. Tawa pa din kasi siya ng tawa.
Kaya niligpit ko na ang higaan ko. Pagkatapos ay dumeretso na sa cr niya para maghilamos at magtooth brush.
Guess what mga mumsh? Tumatawa pa din siya. Pero nagpipigil na.
Tinawag niya ako pero di ako lumingon.
Palabas na ako ng kwarto niya at bigla niya akong hinabol. Kagaya ng mga nangyayari sa mga pelikula at mga nababasa natin na clichè sweet stories, bigla niya akong niyakap sa likod. Nabitawan ko ang doorknob dahil iba na naman ang tibok ng puso ko mga mumsh. Niyakap niya ako at isinandal niya ang ulo niya sa likod ko.
(Pero syempre joke lang yun! Hahahahahahahahaha Nagfeeling na naman po si Lexietot. Hahahaha) BWISIT KA TALAGA AUTHOR! PANIRA KA!!!
Pero tama si author mga mumsh. Huhuhu Nangarap lang ako na ganun magiging scenario namin. Sad.
Dahil ang bwisit kong crush, tinawag ako bago ko pa mabuksan yung pinto ng kwarto niya.
Guess what ulit?
Humarap ako sa kanya at sinapul na naman ako sa mukha!!!
Bwisit talaga to. Huhuhu Kung hindi ko lang crush to, baka binugbog ko na to!
BINABASA MO ANG
Miss Congeniality
HumorIS BEING FRIENDLY BEING FLIRTY? .......... Sa isang clichè na love story, ieexpect na ng lahat na magkakatuluyan ang dapat magkatuluyan, magiging matino yung mga manloloko, maghihiganti yung mga nasaktan, at kung ano ano pa. Tapos laging happy endin...