LEXIE'S POV
Kanina pa tawag ng tawag sila Keith, Trix, K8, at pati na din si Jaime. Pero ni isa sa mga tawag nila wala akong sinagot.
Dapat nga ngayon kinikilig na ako kasi tumatawag yung dalawang crush ko. Pero nawala talaga ako sa mood ng makita ko ulit si Xy.
Hindi naman ako galit sa kanya. Kasi sigurado ako may dahilan din naman siya. Pero nabigla kasi ako. Hindi ko alam na si Engr. Reyes pala ang mama ni Xy at Kuya Nick. Hindi kasi namin nakilala mama nila kasi daddy lang nila umattend ng graduation nila.
Haysssssssss. Nakakapagod tong araw na to ha. Napagod ako sa kakaisip. Hindi na ako nakapasok sa last class ko. Kaya siguro nakailang tawag na din si Jaime kasi kaklase niya ako dun.
Uuwi na lang muna ako sa dorm. Kailangan ko muna ipahinga tong utak ko. Hindi din dapat ako makita nung dalawang barkada ko na malungkot. Kasi never naman nila nakitang umiyak o malungkot ako. Puro kasi ako kalokohan e.
Pasakay na ako ng jeep ng makita ko si Shane na pasakay na din. Pareho kasi kami ng way ng uuwian.
Me: Honey! Pauwi ka na? :)
Shane: Uy Lex. Ikaw pala yan. Oo. Kakatapos lang ng last class ko e. :) Bakit ang aga mo ata umuwi? Ang alam ko until 6pm ka ngayon?
Oo nga pala. Binigay ko sched ko kay Shane. Just in case kailangan niya ng tulong kasi nga diba, transferee siya?
Me: Ah. Ano kasi. Sumama pakiramdam ko kaya di na ako nakapasok sa last class ko.
Shane: Ganun ba? Diba mag-isa ka lang sa dorm niyo? May kakainin ka ba ngayon? Gusto mo ba ipag luto kita?
Dahil ayoko muna isipin yung mga gumugulo sa isip ko. Yayayain ko na lang si Shane sa dorm. Solo ko naman yung room and may mini kichen ako dun.
Me: Actually, wala nga ako pagkain sa dorm e. Balak ko lang sana mag cup noodles na lang mamaya. Hehe
Shane: Sige. Sasamahan na lang muna kita sa dorm mo at ipagluluto kita. Para may matino ka namang makain. Late pa naman dating ng parents ko pati si kuya wala. Kaya wala din akong makakasama sa bahay pag uwi ko. :)
Me: Ok sige. Salamat Shane. :)
Bumyahe na kami ni Shane patungo sa dorm ko. May malapit na mini grocery store sa dorm kaya dumaan muna kami saglit kasi ubos na abasto ko sa dorm.
Kapag ganitong malungkot ako gustong gusto ko yung lutong Afritada ni mama. Ewan ko ba. Sa tuwing nalukungkot kasi ako nung bata ako at umiiyak ako, laging afritada ang ulam namin. Hindi ko alam kung nagkakataon lang or specialty lang talaga ni mama yun. Kaya simula nun, afritada na hinahanap ko pampatanggal ng lungkot. Hahahaha Weird ba? Eh walang pakealamanan. Kanya kanyang trip lang. :)
Buti na lang marunong magluto ng afritada si Shane. Kaya napangiti ako. :)
Pag dating namin sa dorm, dumeretso na sa mini kitchen ko si Shane. Sakto lang yung laki ng dorm ko para sakin. Hindi kalakihan pero maluwag na para da dalawang tao.
Me: Honey, feel at home ka lang ha? Pasensya na kung hindi kalakihan itong dorm na napili ko. Ayoko kasi ng sobrang laki. Mag-isa lang naman kasi ako. :)
Shane: Ano ka ba! Ok lang. Ang cute kaya. :) Tiyaka maluwang naman para sa dalawang tao e. :)
Me: Sige Hon. Shower lang ako. Iniinit kasi ako. Ikaw na muna bahala jan. :)
Shane: Sige. :)
Habang nagluluto si Shane, nagbabad muna ako dito sa shower. Nawawala stress ko sa tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Isa din ito sa pampawala ng stress ko. Itong magbabad sa shower. Kaya minsan kapag malakas ang ulan, tuwang tuwa akong naliligo. At wala akong pakealam kung sabihan nila akong ang tanda ko na naliligo pa din ako sa ulan. Kagaya nga ng sabi ko, kanya kanyang trip. Walang pakealamanan. Hahahahaha
BINABASA MO ANG
Miss Congeniality
HumorIS BEING FRIENDLY BEING FLIRTY? .......... Sa isang clichè na love story, ieexpect na ng lahat na magkakatuluyan ang dapat magkatuluyan, magiging matino yung mga manloloko, maghihiganti yung mga nasaktan, at kung ano ano pa. Tapos laging happy endin...