🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧
WARNING!
READ AT YOUR OWN RISK.
🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧🚧LEXIE'S POV
Kakagising ko lang at wala na yung dalawa. Siguro pumasok na.
1pm pasok ko ngayon. Kaya hindi na ako ginising nung dalawa.
Tinignan ko time sa phone ko. 8:47am na pala. Nagugutom na ako.
Pero maliligo na muna ako, para kakain na lang ako mamaya.
After ko maligo, nag-ayos na ako. Walang uniform sa course namin kaya kahit ano pwede naming isuot.
Meron na din kaming iniiwan na mga damit dito sa bahay nila Keith. Para di na kami laging nagdadala ng damit ni Trix tuwing matutulog dito.
Mga mumsh, tumalino na po kami ni Trix. Kasi after 4 years na nakikitulog kami dito, ngayon lang namin naisip na mag-iwan na ng mga gamit namin dito sa bahay nila Keith. Oh diba? Hahaha
Bumaba na din ako para magbreakfast.
Nakita kong may note sa lamesa.
GOOD MORNING LEM!
PINAGLUTO KITA NG BREAKFAST. WAG MO KALIMUTAN KUMAIN BAGO PUMASOK SA SCHOOL. THANK YOU PALA SA KAGABI! INGAT KA! SEE YOU LATER. :)Bigla na lang akong nangingiti na parang tanga dito. Feeling ko tuloy busog na ako sa note pa lang niya.
Dahil may energy na naman ako, ready na ulit akong kiligin ng sobra! Hahaha
Pagkatapos ko kumain, nag-ayos muna ako ng mga dadalin ko sa school.
Chineck ko phone ko kung may nagtext ba.
Puro about school and orgs lang mga nagtext.
Wala man lang text si Jaime. Nagtatampo nga ata yun.
Alam ko na. Dadalan ko na lang siya ng lunch at susunduin sa bahay nila. :)
(Magandang buhay! Buhay na naman ang hormones ni Lexie! Lalandi na naman siya! Mabuhay!) Gago ka talaga author! Sweet lang talaga ako sa friends ko!
(Pagkatapos kang ipagluto ni K8, hindi mo man lang siya ipagluto din! Lalandi ka na agad kay Jaime!) Lagi ko naman pinagluluto si K8 ha! Pag andito ako!
(Hindi yun special! Kasi para sa lahat yun! Vovo!) Ouch. Grabe. Hays. Pero tama ka.
Dahil may nangonsensya. Pati si K8 ipagluluto ko na din. Hindi po ako napipilitan. Gusto ko lang din bumawi kay K8. :)
Dahil maaga pa naman tinext ko muna si K8 at Jaime.
TO: K8❤
Thank you sa breakfast. Ang sarap talaga ng luto mo. :) Hintayin mo ako mamayang break mo. Dadalan kita ng lunch. :)
TO: Jaime Baby
Good morning baby. :) Wag ka na magtampo. Dadalan kita ng lunch jan sa bahay niyo. Sabay na din tayo pumasok later, ok? :)
Hitting 2 birds with 1 stone lang. Hahaha Pero syempre joke lang mga mumsh. Special lang talaga lahat ng friends ko sakin. Walang malisya to. Hahahaha
Nagsimula na akong magluto. Dalawang menu ginawa ko. Ang panget naman kung parehas sila. Wala lang. Ayoko lang ng parehas sila. :)
Saglit lang ako nagluto kasi konti lang naman niluto ko. Yung para sa kanila lang. :)
Tinola at Adobong chicken niluto ko. Pinagmix ko yung dalawang menu. And tadaaaaaa! Kanin baboy na. Hahahahaha
BINABASA MO ANG
Miss Congeniality
HumorIS BEING FRIENDLY BEING FLIRTY? .......... Sa isang clichè na love story, ieexpect na ng lahat na magkakatuluyan ang dapat magkatuluyan, magiging matino yung mga manloloko, maghihiganti yung mga nasaktan, at kung ano ano pa. Tapos laging happy endin...