U-turn

25 2 0
                                    

Zalther's POV

Tahimik lamang ako nagdadrive ng napatigil ako sa isang two-way road. Napa smirk ako habang pinipilit kong binabasa ang mga sign board. Yung sa kanan, "Do not Enter: Dead End" ,sa kaliwa naman, "SHAITAOWN".

Di ako makapag decide kung saan ang tatahakin ko kasi yung kaliwang daan wala naman sa mapa. Yung kanan naman, nag aalangan ako kasi baka talagang dead end nga. Sayang ang gas.

Tumingin ako sa tabi ko, tulog na tulog si Avhery. Tulo pa laway. Yung totoo? Babae ba talaga toh? Tss.. Kadiri.

Lumingon naman ako sa likod at lahat sila tulog na tulog. Pasalamat kayo ako ang nakabunot ng driver. Hay nako!

Sige na nga, sa Shaitaown na nga lang ako pupunta. Pinaandar ko ng muli ang sasakyan at ililiko na sa kaliwa, bigla akong nakarinig ng umiiyak. Pagtingin ko sa likod, nagulat ako ng makita kong namumutla na si Mhiel. Agad gumapang ang kaba sa puso ko nang makita siyang hirap na hirap sa paghinga at kinakalmot ang kaniyang kamay at paa na ngayon ay dugong dugo na. Parang pilit siyang kumakawala at tila may nakagapos sa kaniyang paa at kamay na tinatanggal niya.

Dali-dali akong bumaba at ginising si Avhery at Axcelle para tulungan ako kay Mhiel. Kinuha ko yung panyo ko at pinunit sa dalawa. Itinali ko yun sa magkabilang braso niya para mabigyan ng pressure at hindi magtuloy tuloy ang pagdurugo.

Napansin kong hindi nagising ang dalawa kaya sinipa ko si Kirk.

"Kirk! Gising! Tulungan mo ko! Si Mhiel! Gisingin mo sila!" sigaw ko. Agad namang bumangon si Kirk at natatarantang pinagyuyogyog sila Avhery at Axcelle.

Pupungas pungas ng mata si Avhery nang magising, namumula pa ang kaniyang mga mata. "A...no bang.... nangyayari ha?" tanong niya.

"Aaahhhhhhhhhhhh!" Napasigaw naman si Axcelle nang makita ang napakaraming dugo sa damit ni Mhiel.

"Mhiel needs help. We need to get her to the hospital right now!" sigaw ko sa kanila.

"Putek! Sino may gawa niyan kay Mhiel?" sigaw naman ni Kirk, agad na lumipat sa front seat para magpalit sila ni Avhery.

"Sh!t! Zalther mag drive ka na.. Kami na ni Axcelle ang bahala kay Mhiel." sigaw din ni Avhery at agad na lumipat at hinawakan si Mhiel.

Si Ace naman takot na takot sa nangyayari kaya nananahimik na lamang sa likuran.

"Ace wag ka malikot dito sa likod ok? Ate Mhiel will be alright. Don't worry." pag comfort ni Axcelle sa bata bago tuluyang lumipat sa tabi ni Mhiel.

Bumalik na ako sa driver's seat at matuling pinaandar ang sasakyan pabalik sa huling bayan na nakita ko kanina.

-------

Avhery's POV

Di ko maintindihan ang nangyayari. Punyeta ! Ano bang nagyayari kay Mhiel? Iyak pa din siya ng iyak tapos tinatanggal niya yung pressure sa braso niya na nilagay ni Zalther. Putang ina ! Mababaliw ako dito!

Hirap na hirap na kami ni Axcelle sa pagpigil sa kamay niyang puro dugo. Napipikon na ako.

"Mhiel !!! Anoooo baaaa! Wag moooo tanggalin!" sigaw ko sa inis.

Di na ako nakapag pigil at sinampal ko siya ng ubod lakas.

*PAK*

Napanganga naman sa akin si Axcelle at Ace. Si Kirk naman, nagulat din sabay taas ng daliri niya. "Lagot ka!" bulong pa nito. Napatingin ako sa direkyon ni Zalther.

Biglang pumreno ang Van namin, lahat kami parang ibinato sa unahan sa lakas ng impact. Si Ace nga, nakarating sa middle seat sa lakas ng preno. Nagkanda untog-untog kami nila Axcelle at bahagyang napayuko, gayundin si Kirk.

"aaraaaayyy! Tangina naman ohhh!" sabi ko sabay angat ng ulo. Agad bumungad agad sa akin ay ang nangagagalaiting mukha ni Zalther. Napangiwi naman ako. Nag peace sign ako sa kanya at ngumiti ng inosente.

"Ulitin mo pa yun gawin kay Mhiel, ako naman ang sasampal sayo! Naiintindihan mo ba? Ha! Avhery!" bulyaw ni Zalther sa akin, lumubog naman ako sa takot at hiya.

"Hmmmmmm......" nakarinig kami ng ungol.

"Si Mhiel Guys!" sigaw ni Axcelle.

Bumalik naman agad si Ace sa back seat para mabigyan ng space si Mhiel. Pinaalis ako ni Zalther at pinaupo din sa back seat.

Kainis! Grrrrrrr.......

------

Axcelle's POV

Nagising si Mhiel sa lakas ng sampal ni Avhery. Loka talaga yung babae na yun. Pasalamat siya nagising si Mhiel kundi lagot talaga siya kay Zalther.

"Mhiel ok ka lang ba? Anong nagyari sayo?" malambing ko siyang pinunasan sa magkabilang pisngi dahil sobra siyang pinagpapawisan.

Habol hininga pa din siya at mistulang takot na takot. Lumapit naman agad sa kanya si Zalther na alalang-alala sa kanya. Niyakap siya ni Zalther at agad naman siyang humagulgol dito.

"Shhhhhh..... Nobody's gonna hurt you now! I'm here.... We're here.... Stop Crying! It's just a nightmare..." bulong sa kanya ni Zalther. Minsan lang magpakita ng ganitong feeling si Zalther at laging kay Mhiel lang. We all know he loves Mhiel despite of his coldness. Napayuko na ang ako sa ka sweetan nila. Hashtag medyo nakaka Bitter. Haha

Napagpasyahan na namin na dalhin pa din sa ospital si Mhiel. Pero this time, si Kirk na ang nagmaneho dahil inaalalayan ni Zalther si Mhiel. Lumipat na din ako sa front seat para magkaron ng privacy ang dalawa. Yung dalawa naman sa back seat, tahimik lang na naglalaro. Takot na lang nila kay Zalther. Haha

------

A/N:

So far so what na ba?

Ang aga ng love team nuh?

I smell blood . Hahaha

:)

REAL NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon