Avhery's POV
"Tang ina niyo GUYs! Ano to Joke!! K-Kirk Gago mo! Bawian ha! Tumayo ka na diyan Ulol ka.... Di ka magaling umarte. Mga Pranks mo panis na at laos....." halos basag na ang boses ko at pumipiyok na ako. Yung mga luha ko peste! tulo ng tulo. Bawal umiyak e. Kainis naman.....
"ANO BA!!! TAMA NA!!! Tigilan niyo na.... Please!!!" nagsisikip na ang dibdib ko sa nakikita ko.
Lahat sila nakahiga sa operating table. Lahat sila.... may kableng nakakabit sa ulo. Kableng pinilit ipasok sa bunbunan nila. Kableng kasing laki ng buho ng kawayan, malinaw, kitang kita ang nangingitim na dugo mula sa loob pati ang kaunting utak nila.
Sino ang may gawa nito!
Bakit ginagawa nila sa amin ito!
Sana matapos na to!
Baka......
Bigla akong natigilan... may parating?
Biglang nanigas ang katawan ko nang makarinig ako ng mga yabag papunta sa direksyon ko... sa kwartong ito. Hindi ko alam kung paano at saan ako nakakuha ng lakas at nakapagtago ako nang ganun kabilis. Siguro adrenaline rush o matinding takot.
Nakapagtago ako sa sulok kung saan makikita ko lahat. lahat lahat.
Bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang mga nilalang na nakasuot ng puti.
Dati ang tingin ko sa kanila.... mga Anghel. Pero, nagkamali ako. Dahil mga alagad sila ng kamatayan na nagbabalat kayo sa puting kasuotan. Mga doktor!!!
Kunwari, tutulungan daw. Pero ang totoo, namemera. Kaya kami nabangkarote dahil sa mga tulad nila. Nakakatakot silang mga nilalang. Ayoko na talaga sa ospital.
Kanya-kanya silang suot ng mga gwantes.
Nagulat ako at pigil hininga nang may parating sa direksyon ko na isa, iyong nakasalamin. Pipindutin lang pala ang buton malapit sa pinagtataguan ko. Naupo siya sa gilid.
"Hindi pa gising ang pasyente ko... Gawin niyo na ang nararapat sa mga kawawang pasyente niyo." malumanay niyang sambit na tinanguan ng lahat at ikinatawa ng iba.
Napakagat ako ng labi. Ano bang tingin nila sa buhay ng tao! Isang eksperimento ha! Mga hinayupak na tarantado pala sila e! Dapat sa kanila, binibiyak ang ulo ng buhay at nilalagyan ng asido ang baga!
Lima lang sila. Pero nakaupo yung isa. Yung apat pinagtag-isa-isahan yung mga kaibigan ko. Napunta yung nag iisang babae kay Kirk.
Magsisimula na sila dapat nang may marinig na naman kaming yabag kasabay ng maingay na tunog ng gulong ng operating table. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang may katandaang doktor na punong puno ng dugo at may demonyong ngiti.
"Tapos na ako." dumadagundong ang boses niya na ikinadagdag ng takot ko.
Binuksan niya ang telang balot ng dugo. At tumambad sa lahat ang kalunos lunos na sinapit ni Ace.
"Kaawa-awang bata." umiiling na comment ng may katabaang doktor na katabi ni Mhiel. Nagpalakpakan ang iba. Tuwang tuwa sa malagim na sinapit ng bata sa kamay ng matandang doktor.
Hindi na makilala si Ace. Dinukot ang mga mata niya na nakalaylay sa gilid ng mukha. Nakalabas na din ang puro hiwa niyang dila. Nakabulatlat ang mga laman loob niyang nakakalat sa tabi niya na akala mo laruan. Ang puso niya na makikitang tumitibok pa ay nasa kamay niyang puro pako. Pinaglaruan din ang ari niya na may nakapasak na malaking dos por dos na makikita ang dulo sa butas niyang tiyan. Ang putol na binti ay tinahi sa kaliwang braso. Ang kaliwang braso naman ay tinahi sa kanan na binti. Nagulat ako ng mapalingon sa bandang ulunan niya, katatanggal lang ng malaking kable sa ulo niya dahilan para ang mga utak ay magkalat habang naglalakad sila papunta dito.
Oo. Nakakasuka!
Pero.... Nakakangalit din ng laman.
Bakit nila nagawa iyon sa bata, sa kaawa awang bata!?
Ano ba ang nangyayari dito?
---------------
BINABASA MO ANG
REAL NIGHTMARE
HororWhat if your nightmares became reality? What will you do? Will you fight back? Were you ready for betrayals? - - - - - - - Can you survive and live your life to the fullest? For Just 5 Days.......... A nightmare will change you and your friends... A...