Shaitaown/ Mhiel's Nightmare

29 2 0
                                    

Axcelle's POV

Nagsimula na kaming mag joyride. Ako, tahimik lang dito sa last seat katabi ang napaka ingay na si Ace. Grabe tong bata na to! Nakabatak ng sandamakmak na battery, di nauubusan ng energy. Kanta ng kanta, sayaw ng sayaw tas biglang tatawa. Ay! Loka-loka. Pero ang saya niyang tingnan ha! Nakakatuwa.

"Let it goooooooo! Let it gooooooooo! Can't hold it back anymoooooore! Let it gooooooo! Let it goooooo! Turn away and slam that dooooooor! I doooont care what they're goin to saaaayyyyy... Let the storm rageeeeee onnnn! The cold never bothered me anyway!" kanta pa ni Ace. Idol talaga niya si Elsa ng Frozen.

"HOY! Punyeta ka! Di ka titigil! Ang lakas na nga ng ingay ng radyo, sumasabay ka pa!" sigaw naman ni Kirk na lumipat sa middle seat kanina bago kami tuluyang lumarga.

Napahinto naman si Ace at bahagyang humikbi.

Bigla namang tumayo si Avhery sa front seat na katabi ni Zalther at super lakas na binatukan si Kirk.

"Araaaaaaaaayyyyyy!" sigaw ni Kirk habang sapo sapo ang kaniyang ulo. Napangiti naman ako sa reakyon niya. Grabe talaga sila magmahalan ni Avhery. Hahaha Brutal!

"Ang tanda tanda mo ng gurang ka ! Pumapatol ka pa sa bata!" bulyaw naman sa kaniya ni Avhery.

"Sino ba kasi nagsama diyan sa daldakinang bubuwit na yan sa barkada trip natin ha!" angas naman nito.

Tss. Ako nga pala nagsama sa kanya dahil ako ang babysitter niya for 1month. Umalis ang kaniyang parents at matagal pa bago makabalik galing honeymoon. Di pa nga sure ang 1 month eh, mga yun talaga. Ayoko namang mawala sa barkada trip namin kaya pinakiusapan ko na lang sila Avhery na isama si Ace.

"Hoy! Sino nagsama diyan? Exclusive lang daw sa barkada pero may sabit na dwende." asik na naman ni Kirk. Kinabahan na ako kung aamin akong ako kasi baka maging cold na naman silang lahat sa akin.

"Ako, bakit?" cold na saad bi Zalther habang nagda-drive. Hindi man lang siya tumingin kay Kirk.

Natahimik naman ng ilang segundo si Kirk.

"Patahimikin mo punyeta!" humina na ang boses ni Kirk. Kahit kailan talaga duwag to kay Zalther. Kinabit na niya ang kaniyang headset at nilagay ang kaniyang neck pillow bago tuluyang natulog katabi niya si Mhiel na nakapikit lang habang nagsa-sounds.

"Paki-alagaan naman si Ace, Axcelle para sa akin." cold na utos sa akin ni Zalther. Alam kong niligtas lang niya ako sa bad vibes ni Kirk kay Ace. Tss, batang to. Magkakaproblema pa ko sa mga kaibigan ko dahil sakanya.

Nakita ko siyang ngumiti ng matamis pero nawala din iyon ng tinignan ko siya ng masama. Nag peace sign siya sa akin at humiga sa lap ko.Hinintay ko lamang siyang makatulog bago ako tuluyang umidlip.

REAL NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon