Kirk's POV
Nakarating na kami sa pinakamalapit na bayan nung nag U-turn kami. Napakaliit ng bayan na to, mukhang di pa nga inaabot ng new era eh. Haha
"May mall kaya dito dre'?" tanong sabay siko ko kay Avhery, pagkababa namin ng Van.
Nag smirk lang sakin ang unanong manang. Agad naman binuhat ni Zalther si Mhiel papunta sa hospital kasama si Axcelle. Naiwan pa samin ni Avhery ang pesteng bubuwit na toh! Bwisit talaga.
Naglakad muna kaming tatlo sa paligid ng ospital na malapit din sa kanilang plaza. Takbo ng takbo si Ace, habang hinahabol ni Avhery. Tss. Isip bata palibhasa punggok. I laughed a little. Bigla na lang ako binatukan ni Avhery na nasa likod ko at nakapamewang.
"Crazy jerk!" sigaw niya sabay takbo.
"Aba! Kafal ng mukha mong nyeta ka ahh.. kanina ka pa nakakarami ng batok sakin ha!" sigaw ko din sakanya bago ko siya hinabol. Tawa naman ng tawa sa amin si Ace.
Nung naabutan ko na ang bruhang yun, agad ko siyang kinarga at iwinagayway sa ere. Tawa lang kami ng tawa sa kakornihan na ginagawa namin, nang biglang magsalita si Ace.....
"Para kayong tunay na nagmamahalan... Go KiVhery!" sabay tawa ng tiyanak. Nagising naman kami sa reyalidad. Agad ko siyang binitawan kaya napasadlak siya sa lupa.
"Araaayyy kooo! Walanghiya kang hayop kaaaaa!" sigaw ni Avhery pagkatapos pinagsasapak ako kahit san tamaan. Grabe talaga tong babae na toh! Kabrutal lang po Lord !
Maya-maya tumigil na din siya sa pagtotorture sa pinakamamahal kong muscles. Tapos, napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Kahit kung kumilos tong baliw na to eh, one of the boys. Pag tinititigan ko talaga siya. Ganda niya talaga PRE!
Gagamitin ko na tong pagkakataon na toh ! Para maka-score! Yeah Boy ! Habang nagkakatitigan kami, unti-unti kong nilapit yung gwapo kong mukha sa kanya. Minsan lang gumanda tong manang na toh sa paningin ko eh. Sulitin na mga dude! 3 inches na lang..... Malapit na...... Konting push na lang....... basa na siya......... ng pawis......... tagaktak ohhhh....... kabado ka dre'......... final push............ muuuuuuuuuwaaaaaaaaahhhhhh?
*BOOGGGSSSSHHHHH*
"MAAAAAAANNNNYAAAAAAKIIIIIISSSSS KAAAAAAAA!" super lakas akong sinuntok ng punyetang yun ahhhh.... Aray ko po Lord!
Nasa langit na ba ako? May mga anghel na naglilipiran, teka tagak pala yun!
Hilong hilo na ako. May earthquake ata!
-_- zzZzzz
---------------
Avhery's POV
Sa sobrang kaba ko sa paglapit ng mukha niya sa mukha ko, agad akong humatak ng super lakas kong pwersa.
Hame....... Hame........ Wave !!!!,!!!,!!,
"MAAAAAAANNNNYAAAAAAKIIIIIISSSSS KAAAAAAAA!" sigaw ko kasabay ng aking super fist.
At ayun na nga! Bwahahahaha
Tulog ang manyak!
Walangyang hayop. Iiscore pa ang putya! Tae. Mukha na akong kamatis sa pamumula ng mukha ko eh. ganun pa sya! Sabagay, kahit ganito ako mukhang totomboy tomboy, magandang pogi din ako nuh! Haha Kaya siguro, di nakapagpigil ang baliw na tokneneng.
Nahihilo siyang napahiga sa bench. Galing talaga ng super fist ko. Kahit kailan hindi ako binigo! Nakapamewang lang ako sa harap ng ugok. Napatingin ako sa batang dwende, aba't ang batang toh! Nagba-blush pa habang tawa ng tawa sa ginawa ko. Tss.
"Hoy ! Ang bata bata mo pa para kiligin!" sabi ko sakanya sabay pat sa ulo niya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Idol na kita Ate Avhery!" sabi niya sakin habang naka two thumbs up. "Galing mo sumagot ng yes, your my BF! Ahihihii" tawa pa nya sabay takbo sa direksyon ng ospital.
Aba talaga tong bata na to! Yes daw ibig sabihin ng punch line ko. Sira ulo ayy! Brutal naman ng yes na yun. Natawa na lang din ako sa maling pag-iisip ng batang yun. Tss.
"Hoy Ungas ! Tara naaa! Puntahan na natin sila Mhiel...!" bulyaw ko kay Kirk, sabay lakad palayo.
Akala ko hindi pa siya susunod eh. Buti tumayo din ang loko. Napangiti na lang ako sabay blush ng maalala ko yung paglalapit namin ng mukha. Hays!
------
A/N:
Lumalablayp na din sila Kirk at Avhery ahh? kalalandi! bwahahaha
:)
BINABASA MO ANG
REAL NIGHTMARE
HorrorWhat if your nightmares became reality? What will you do? Will you fight back? Were you ready for betrayals? - - - - - - - Can you survive and live your life to the fullest? For Just 5 Days.......... A nightmare will change you and your friends... A...