Avhery's POV
(*still in Flashback)
Ang doktor ko na inaakala kong kaibigan ko sa kalahating taon kong pananatili sa mental asylum, ay nagtanggal na ng maskara. Akala ko anghel siya na tutulungan akong makawala at gumaling sa karamdaman ko. Pero sa huli, nalaman ko na, kasabwat siya ng papa at kuya sa pagpapahirap sa akin.
Tuluyan na akong nawala sa sarili. Nanlilisik na mata akong tumayo habang nakatitig sa kanya. Samantalang siya, nakangisi lang sa tabi ng pinto.
Uha.....Uha..... Uha........
Anak, patayin mo siya. Patayin mo ang kasabwat ng papa mo sa pagpapahirap sayo!
Patayin mo siya!
Uha.....Uha..... Uha........
Patayin mo siya!
Uha.....Uha..... Uha........
Patayin mo siya!
Uha.....Uha..... Uha........
Patayin mo siya!
Naririnig ko ang palahaw ng aking supling at ang tinig ni Mama na umiiyak. Buong pwersa kong sinasabunutan ang sarili ko sa mga nakakarinding tinig na yun na ayaw tumigil at parang pumipintig sa lahat ng bahagi ng utak ko.
Napahinto ako at baliw na napatingin sa direksyon ng doktor na ngayon ay nasa tapat ng bangkay ni papa. Kitang-kita ko ang paghugot niya ng bakal na baston na ipinasok ko sa binutas kong ulo ni papa. Sumirit ang mga dugo at unti-unti habang inilalabas ng pilit ang baston ay dumaragsa din ang utak at laman galing dito. Lalong nakita ang dispigura nito. Hinatak niya ng tuluyan ang baston at winagayway, kaya ang mga dugo at laman na umaagos mula dito ay tumalsik sa mukha ko.
Ngumiti siya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Itinaas niya ang baston at naglabas ng pito.
"Pfffffttttt......" dagundong ng tunog ng pito sa buong kwarto. Nagpanic ako at agad na nagsumiksik sa tabi ng kurtina malapit sa cabinet habang nakatakip ng tainga. Ang pito na yun ay ginagamit niyang warning sa mga pasyente sa asylum na nagwawala at pasaway. Kahit ako nagamitan na niya niyan ng maraming beses at pagkakataon. Isang warning na kapag hindi pa tumigil ang pasyente, isang malakas na boltahe ng kuryente ang dadaloy sa utak nito. Isa iyon sa mga ayaw kong mangyari sa akin. Kaya kahit mga tulad kong tinatakasan ng bait, nakakaramdam ng takot at kaba marinig lamang iyon.
Galit pa din akong nakatingin sa kanya. Nakikita ko ang galak sa kanyang mata.
Umarte kang natatakot ka sa walang kwentang pito niya, pagkatapos maari mo na siyang patayin.
BINABASA MO ANG
REAL NIGHTMARE
HorrorWhat if your nightmares became reality? What will you do? Will you fight back? Were you ready for betrayals? - - - - - - - Can you survive and live your life to the fullest? For Just 5 Days.......... A nightmare will change you and your friends... A...