Avhery's Nightmare

15 1 0
                                    

Avhery's POV

Nagsimula na silang lahat na gumalaw. Pumunta yung isang lalaki na madaming piercings, siya ang may hawak kay Axcelle, sa isang phonograph at naglagay ng plaka. Umalingawngaw ang magaspang nitong tunog na tila naging saliw at napainda-indayog pa ang lalaki sa musika nito. Lumabas naman ang matandang doktor na nagpaalam na maliligo.

Nagsimula na silang lahat. Sabay ng saliw ng musika ang isa isang pagsirit ng dugo ng aking mga kaibigan pati na din ang pagtulo ng aking luha sa kawalan at ang mga mumunti at pinipigil na paghikbi.

Nilalapastangan na sila ng mga karumaldumal na mga nilalang na ito tapos ako heto ngumangalngal lang sa pinagtataguan ko. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam!! Si Kirk... Kailangan ko siyang tulungan kahit alam kong baka hindi na niya kaya. Tinulungan niya ako dati nung naghihirap ako at nangangailangan ng makakasama. Di bale ng mamatay kasama siya basta huwag ko lang siya iwan dito ng nagiisa at naghihirap na nakikita ko pa.

Tatayo na sana ako para magpakita sa kanila, ngunit isa na namang inig ang pumasok sa isipan ko.

Huwag!!!

ha?

Huwag kang lalabas!!!

Kailangan kong samahan si Kirk.

Ayokong makasama ka sa ganitong sitwasyon Avhery! So please! Huwag!!!

Tuluyan na akong naguluhan.

Sandali.

Kirk? Kirk? Ikaw ba yan?

Oo. Kaya punyeta lang ha! Huwag... Huwag kang bibitiw.

Mula sa garalgal na tinig, luminaw na ang kanyang boses at tuluyan na akong nagkaroon ng pag asa.

Kirk! Tutulungan kita ! Gagawin ko lahat para tulungan ka... Hindi ko hahayaan na ginagayan ka niya.

Tss.. Tanga ka talaga! Ikaw ang tutulungan niya...

Hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi pero gumapang ang matinding kilabot sa buo kong katawan. Kagaya ng takot na nararanasan ko dati.

(*FLASHBACK

" Ahhhhhhh.... Ayo....... Ayokoooooooo!!! Tamaaaaaa naaaa!!!" sigaw ng bata kong anyo kasabay ng matinding pagpigil ng dalawang lalaking nurse sa akin.

"Ang tagal tagal mo na dito! Napakatigas pa din ng ulo mo... Umayos ka nga! Humanda ka talaga kay Dok!" sigaw ng matandang nurse habang hawak hawak ang kamay ko na nakagapos sa tela patalikod.

REAL NIGHTMARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon