Avhery's POV
Kagulo! Tssk...
Nakakainis naman tong mga kasama ko bigla bigla na lang nag-aaway.. Samantalang dati, wala naman nangyayaring ganito. Lahat kami super close, kahit magkakaiba kami ng estado sa buhay. Lalo na itong si Mhiel at Axcelle. Ang alam ko mag bestfriend sila. Nagkaroon lang ng gap simula nung magtapat si Axcelle kay Zalther pero tinanggihan siya ng huli dahil si Mhiel daw talaga ang gusto niya. Nalaman naman ni Mhiel yun kaya nagkaroon sila ng real talk ni Axcelle. Simula nun madalang na silang mag usap, o kung mag uusap man barkada thing lang. Nakakapanghinayang. Sobrang malapit talaga sila. Kay Zalther naman. Hmm... teka isip isip.. Nagkaroon dati ng issue na gay siya e. Haha Kaloka! Nadevelop daw kay Kirk. Takte yan! Mga ulol! Palibhasa magkasama lagi. Di ko tuloy maiwasang mamula. Hmpp!
"A-aray... Avhery masakit.." narinig ko na lang ang impit na iyak ni Axcelle, medyo napadiin pala ang paglagay ko ng malamig na bimpo sa pasa niya.
Selos!
Haah?
Anong selos?
Saan naman galing yun?
Nagseselos ka kay Zalther?
Dude!!! Hindi naman napatunayan na bakla siya! Kaya bakit ako maniniwalang nagkaroon ng something sa kanila? Tss.
E bakit ka namumula?
Kasi mainit dito sa parang hospital na ito e..
Wag ka ng mag-deny pa! Gusto mo siya dati pa pero dahil may s-..
Tss... "Ano ba ! Hindi ako denial noh!" sigaw ko sa isipan ko pero nagulat akong lahat sila nakatingin sa akin. Mukhang nasigaw ko ang nasa isipan ko.
Lahat sila blangkong nakatingin sa akin pero si Kirk nakita kong parang nag-aalala siya. Tss.. that guy really annoys me... Bakit ba lagi na lang siyang concern?
"Aha... haha.... haha.... naimagine ko yung movie na pinanuod ko dati.. Pasensya mga brad!" peke kong tawa sabay salute. Napansin ko naman na napailing lang sila at bumalik na sa mga ginagawa.
Pinahiga ko na ng maayos sa kama si Axcelle. Kinumutan bago umupo sa tabi niya para bantayan siya. Nakatulog naman agad siya. Pasado alas onse na rin e. Lahat kami pagod na, lahat kailangan ng pahinga kaya ayun mga umayos na ng higa para makatulog. Hindi na kami pinaalis nung matanda, delikado daw sa mga Shaitan. Hindi ko man alam o namin alam yung Shaitan na yun pero whatever na lang sabi nga ni Mhiel. Haha! May natututunan na akong kaartehan sa kanya mga boy!
Mga ilang minuto, lahat sila naghihilik na pwera sa akin at kay Kirk na hinahantay ako pero sumenyas lang ako ng mamaya. Kaya ayun, naglaro muna ng games sa phonetab niya.
Bumalik naman ako sa pag iisip. Naisip ko na naman yung kanina.
Nagseselos ako kasi nagkaroon ng issue si Kirk kay Zalther. Grabe! Weirdo putya! Nakakainis yung utak ko bakit naman ako magseselos? Nyeta naman oh! Paulit ulit na tuloy ako. Makahiga na nga.
Nagulat si Kirk nang bigla akong humiga sa dalawang kamang pinag-isa namin. Mabilis akong humiga, huminga nang malalim at pumikit. Doon ko naramdaman yung pagod ng katawan ko. Ang sakit pa ng ulo ko dahil sa naputol na tulog kanina. Naramdaman ko yung pagkulbit niya sa akin pero hindi ko pinansin dahil masakit talaga ang ulo ko. Mukhang na'gets naman niya kaya tumigil na siya. Nagulat ako nang biglang yumapos ang kamay niya sa bewang ko. Napaigtad pa ako dahilan para lalo niyang higpitan yung pagkakayakap niya.
"Natatakot ako..." narinig kong bulong niya. Tss... Lagi niya na lang ipina-front yung kaduwagan niya. Gusto niya lang makatyansing eh. Langyang mokong na to!
Pero syempre dahil mabait ako..... Hinayaan ko na lang. Baka magkanervous breakdown ehh.. Kawawa naman, Tsk. Tsk.
Hinayaan mo kasi gusto mo sya.
Anong gusto?
Magbestfriend kami kaya ganyan kami kadikit no!
Hindi yan gawain ng magbestfriend.
Parang magkapatid na kasi kami.
Sandali nga!
Sino ba yun?
Kanina ko pa naririnig yung tinig na yun ha!
Hindi naman nagsasalita yung konsensiya ko basta basta noh!
Tss. Mukhang nasisiraan na ako ng ulo ahh. Mukhang nauntog din ata ako nung nag away yung dalawa kanina. Tang-ina this naman oh!
Kunot-noo at pawis na pawis... Naramdaman kong parang nawala ang mainit na yakap ni Kirk sa bewang ko. Nawala ang tanging init na nagpapaalala sa akin na secured ako.
Idinilat ko ang aking mata. Punyeta! Yun lang ang masasabi ko... Nasan ako??!?
-----------------
BINABASA MO ANG
REAL NIGHTMARE
HorrorWhat if your nightmares became reality? What will you do? Will you fight back? Were you ready for betrayals? - - - - - - - Can you survive and live your life to the fullest? For Just 5 Days.......... A nightmare will change you and your friends... A...