Broken 18: You're My Life

904 18 1
                                    

Broken 18: You're My Life

-------------------------------X

Jake's POV

Shet... nanghihina na ko kakatakbo... at alam ko rin na mas pagod na sakin ang kambal ko.

Takbo lang kami ng takbo, ayokong maabutan kami ng salarin... ayokong mamatay ang kambal ko.

"Jake..." tawag sakin ni Caileigh habang tumatakbo

"Konting tiis nalang Caileigh..." sagot ko sakanya at mas binilisan ang pagtakbo

Kahit hindi ganoon katulin ang aming takbo, sapat na ito upang hindi kami maabutan ng dumadagundong na tunog ng chainsaw.

Takbo...

Takbo...

Takbo...

Takbo...

Takbo...

"Caileigh!!" mahina kong sigaw

"Sorry Kuya... hindi ko na talaga kaya..." sabi niya habang nakahiga sa sahig

Agad-agad ko siyang binuhat at nagtago sa likod ng isang puno.

Kapwa kaming hingal na hingal... at nakikita ko rin sakaniyang mata ang pangangamba at takot.

Wala mang dalawang minuto ay rinig na rinig na namin ang tunog ng chainsaw.

"Pwede kayong magtago pero makikita't makikita ko rin KAYO... HAHAHAHAHA" 

"hmmmph..." pinigilan ni Caileigh ang kaniyang paghikbi

"Ssssh..." sabi ko at tinakpan ang kaniyang bibig

Nagdasal na lamang ako... hindi ito ang huling araw namin... hindi.

"AHA."

At sa isang iglap ay naputol ang puno na aming pinagtataguan

Buti nalang at hindi kami naabutan ng chainsaw. Agad kaming tumayo at kumaripas nanaman ng takbo.

"Oh, tatakbo nanaman kayo? HAHAHAHAHA PUTA, PINAPAGOD NIYO KO AH!" 

Hindi na namin pinansin iyon at nagpatuloy lang sa pagtakbo kahit na halos mawasak na ang katawan namin sa pagod at sakit.

"Yung chainsaw ko... bago 'to, pasalamat kayo, dugo niyo ang unang dadapo dito."

Naramdaman ko rin na pabagal ng pabagal ang pagtakbo namin ni Caileigh...

"Caileigh... go." sabi ko at huminto sa kinatatayuan ko

"HINDI!!! HINDI JAKE!!! SABAY TAYONG UUWI!!! HINAHANAP NA TAYO NI MAMA AT PAPA!!! PLEASE... KUYA.... PLEASE!!!" sigaw niya habang walang tigil ang pagpatak ng kaniyang luha

Pilit niyang hinihila ang kwelyo ng polo ko...

Humarap ako sakanya at pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Caileigh... you're my life, always remember that. Pag namatay ka, para ko naring pinatay ang sarili ko. Now, go." sinabi ko sakanya at hinalikan ang kaniyang noo

"Jake..." sabi niya at tumalikod na sakin.

"I love you..." sabi ko sakanya at tumakbo na siya papalayo habang pinupunasan ang kaniyang luha

Napalunok na lamang ako... alam kong ito na ang wakas... pero, ayos lang... ligtas na rin naman ang kambal ko eh.

"HOY!!! KUNG SINO KA MANG P*TANGIN*ANG SALARIN KA!!! LUMABAS KA NA!!! DIBA ITO LANG NAMAN ANG GUSTO MO HAH?!!! ANG PATAYIN KAMI?!!! HAH?!! DIBA?!!! OH ANO?!!! NANDITO NA KO!! HARAPIN MO KO!!! P*TA, HUWAG KANG MADUDUWAG!!!!!!" sigaw ko

"You were looking for me?" 

Isang nilalang ang lumitaw sa harapan ko habang pinipihit ang kanyang chainsaw

Lumapit ako sakanya at pilit na inagaw ang chainsaw sakanya. Ngunit hindi ko magamit ng buo ang lakas ko... nanghihina na talaga ako.

Nag-agawan lang kami ng chainsaw, ngunit nararamdaman kong mas nangingibabaw ang lakas at pwersa niya keysa sa akin.

"This is the end, Jake. Bye HAHAHAHAHA" 

Mayroong dumapong ubod ng tulis na bagay sa aking tiyan... at may umaagos din na mainit na likido mula roon... napatingin ako sa baba ko... nahahati ang katawan ko.

Napatingin ako sa nakamaskarang salarin.

Hanggang sa naramdaman ko na ang pagkawala ng aking buhay...

Paalam.

--------------------------------------------------X

End of Broken 18: You're My Life

Broken Shards *COMPLETE!* :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon